Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
OFW kuwait

DH ban sa Kuwait suportado ni Go

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang pagba­bawal sa pagpapadala ng domestic workers sa Kuwait.

Gayonman, inilinaw niyang kailangan hintayin ang desisyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte hinggil sa isyu.

Paliwanag ni Go, ibinabalanse ni Pangulong Duterte ang mga ma­wawalan ng trabaho sa deployment ban at kaila­ngang matiyak ang kapa­kanan ng nakararami.

Samantala, inilinaw ni Go na hanggang walang kautusan si Pangulong Duterte ay tuloy ang planong pagtungo nito sa Kuwait ngayong unang quarter ng taon.

Iginiit ni Go, mula sa nilagdaang kasunduan ng Kuwait at Filipinas ay marami rin pinagbigyan ang Kuwaiti government.

Tiniyak ni Go na hangad niya at ni Pangu­long Duterte na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Jeanelyn Villavende ng kanyang mga amo sa Kuwait.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …