Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, nagka-panic attack kay Coco

NAGKUWENTO si Sam Milby ng experience niya habang isinu-shoot nila ang pelikulang 3Pol Trobol:  Huli Ka Balbon na entry ng CCM Films and Productions sa 2019 Metro Manila Film Festival na nagkaroon siya ng panic attack dahil kay Coco Martin.

Sabi ni Samuel Lloyd, minemorya niya ang buong script na ibinigay sa kanya tapos hindi naman pala iyon lahat nagamit dahil naiba pagdating sa set.

“Actually, first eksena namin as Paloma siya, were doing parang naglalandian kami tapos siya rin nagka-cut! So, parang hindi ako sanay na ‘yung lead actor, nagka-cut din.

“Sa set, siyempre nahirapan ako sa lengguwahe minsan so, kabisado ko ‘yung script tapos pagdating sa set, iba ‘yung sasabihin niya (Coco) na sobrang iba sa script na minemorized ko, so nataranda ako! Anong sasabihin ko, oh my God!

“Completely different ‘yung ipagagawa niya (Coco).  But what direk Coco said to me, ‘Sam, kung saan ka komportable gawin mo, kung komportable ka sa English, i-english mo lang para mas natural ang acting mo. So, I’m really, really thankful to direk Coco.

“Napakabait niya (Coco), generous!  This is the first time I’ve done a project where in na naging actor at director din,” kuwento ng aktor.

Ganito na kasi ang kadalasang nangyayari ngayon na pagdating sa set ay nababago ang linya o script ng mga artista na sa tingin ng direktor o ng creative director ay mas bagay sa eksenang kukunan.

Kasama rin sa 3Pol Trobol:  Huli Ka Balbon sina Jennylyn Mercado, Mark Lapid, PJ Endrinal, Pepe Herrera, John Prats, Carmi Martin, Smuglazz, Bassilyo, Sancho Vito, Jhong Hilario, at Ai Ai de las Alas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …