Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, aminadong ‘di s’ya okey sa halikan nina Carlo at Maine

PAGKATAPOS ng presscon ng Bagman Season 2 ay inamin ni Arjo Atayde na sinuportahan niya ang pelikula ni Maine Mendoza na Isa Pa with Feelings at humanga siya sa mahusay na pag-arte ng katipan.

“She improved so well at kung anuman po ‘yung hiningi niyang comment ko, sa amin na lang po yun,” sambit ng binata.

Anong eksena ang gusto ni Arjo sa pelikula?

“Ang gusto kong eksena at paborito ko ay ‘yung nag-sorry siya, ‘yung pinaka-unang eksena, nagso-sorry siya kay Carlo (Aquino) na hindi pa sila magkakilala na bigla siyang nag-breakdown. I don’t know it just so real, ‘yun ang pinaka-tumatak sa akin na eksena niya,” sabi ng aktor.

At dahil may kissing scene sina Carlo Aquino at Maine ay hiningan namin ng reaksiyon o nagselos ba si Arjo?

“I’ve watched it, I’m just a human being, I’m a guy, I don’t want it, I don’t wanna see it, but it’s part of her (sa pelikula), you know.  Pero walang selos. But I don’t think any person would be okay seeing anyone kissing like that, pero it’s part of her, I’m being honest. It’s not okay with, but it’s part of her so yeah, it’s okay,“ diretsong amin nito.

Anyway, ang matagal nang inaabangang Bagman Season 2 ay mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 13 sa iWant handog ng Dreamscape Digital Entertainment at Rein Entertainment na isinulat at idinirehe ni Shugo Praico.

Inspired by true events ang kuwento nito pero walang partikular na taong binanggit kung sino, ayon pa sa direktor.

Tinanong namin si Arjo kung mabait siyang governor sa season 2 o minana niya ang ugali ng dating gobernador na corrupt at maraming pinapapatay, “He’s trying to make a difference, the governor is trying to make difference of what is there, what is in front of him, the reality. Kung ano ang nakasanayan niya, susubukan niyang baguhin. Kung masama man ang isang tao, kailangang intindihin dahil mayroon siyang rason at kung anuman ‘yun, puwedeng pamilya, puwedeng pera, puwedeng mas malalim pa,” paliwanag ni Arjo.

Ngayong gabi Martes gaganapin ang celebrity screening ng Bagman 2 sa Santolan Town Plaza, 6:00 p.m..

Ang iba pang kasama sa Bagman 2 ay sina Irma Adlawan, Rez Cortez, Joel Saracho, Mon Confiado, Rollie Inocencio, Menggie Cobarrubias, Chanel Latorre, at Rosanna Roces.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …