Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Arjo Atayde Sylvia Sanchez
Maricel Soriano Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Maricel, sobrang nagalingan kay Arjo; Sylvia, natuwa sa mga papuri sa anak

SA ikalawang season ng Bagman ay muling pinatunayan ni Arjo Atayde ang husay nito bilang aktor. Actually hindi nga siya umaarte dahil mata lang ang pinagagana at boses ay kuha na nito ang mga manonood.

Tahimik ang lahat habang nanonood nang tatlong episodes ng Bagman na nagsimulang mapanood kahapon ng tanghali sa iWant.

Ang magulang ni Arjo na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez ay tahimik na nanood, pero ang huli ay naroon ang nerbiyos bilang ina ng aktor.

Hiningan ng reaksiyon si Ibyang pagkatapos ng screening at halos hindi niya maisip ang sasabihin sa sobrang saya at tuwa sa mga naririnig na papuri sa anak na galing din mismo sa cast ng Bagman.

Sabi ng nanay ni Arjo, “Ang gagaling nilang lahat, ang galing ng mga aktor, ang cool, relax ‘yung acting pero nakatatakot silang lahat. Abangan n’yo po ito, iba talaga ang tatak ng ‘Bagman,’ Rosanna Roces, Irma (Adlawan), Lito Pimentel, Mon Confiado, Menggie (Cobarrubias), Rez Cortez, at iba pa, of course (sabay turo sa stundy nina Arjo at Carlo)’ tong dalawang aktor.”

Dumalo rin sa celebrity screening si Maricel Soriano bilang nanay ni Arjo as Elai sa The General’s Daughter at iisa lang ang nasabi niya, “Sylvia, aminin na natin mas magaling sa atin si Arjo, mas magaling ang anak natin.”

Sadyang pumunta ang nag-iisang Diamond Star sa screening ng Bagman dahil katwiran niya, “gusto kong suportahan ang anak ko, eh.”  Ang daming nanay na ni Arjo, huh.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …