Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna, mas nagalingan kay Arjo kaysa kay Sylvia

Nag-message kami kay Rosanna na kasama rin sa Bagman kung bakit wala siya, “may shooting ako ng ‘Unbreakable,’ big scene.”

Sa tanong namin kay Osang kung sino ang mas magaling umarte sa mag-inang Ibyang na kasama niya sa Pamilya Ko o si Arjo na nasa Bagman.

Si Arjo,” mabilis na sagot sa amin.

Parehong premyadong aktres na ang nagsabi na mas mahusay nga si Arjo sa nanay niya kaya tanggap naman din ng huli ito noon pa.

At sa tanong namin kung gusto ni Sylvia mag-guest sa Bagman ay ang bilis ng sagot niya, “oo gusto ko finale ako papatay kay Arjo, wahh,” natatawang sambit ng aktres.

Oo nga, madulas si Benjo Malaya, eh, hindi mapatay-patay kaya baka siguro ‘pag si Sylvia na ang kinomisyong papatay sa aktor ay baka matuluyan na.

Anyway, kuwento pa ng aktres, “alam mong about politics (istorya ng ‘Bagman’), may patayan pero hindi nagsisigawan, napaka-cool. Iba ang twist, hindi mo mahuhulaan ang kuwento, kung saan-saan ka dinadala na magugulat ka na lang at sasabihin mong, ‘ay ganoon pala ‘yun mae-excite ka.

Kaya sa lahat ng cast ng ‘Bagman,’ sa crew, sa productions congratulations sa inyong lahat Dreamscape (Digital at Rein Entertainment), sa mga direktor sa lahat hindi ko na kayo iisa-isahin.

Arjo and Carlo, pangarap ko ito na magsama kayo, heto na nangyari and hindi talaga ako nabigo sa pangarap ko na ‘yun na dalawang aktor na magaling.”

Nagkatotoo ang hiling ni Sylvia, dalawang taon na ang nakararaan na sana magkaroon ng project sina Arjo at Carlo.  Nabanggit niya ito habang nagpe-perform ang si Caloy sa opening ng Beautederm clinic nina Ibyang sa Butuan City, 2017.

Nagustuhan ni Sylvia si Carlo at mahusay ding aktor kaya nasabi niya na sana dumating ang panahong makasama ng anak niya at heto na, magtatagisan sila ng galing sa pag-arte sa ‘Bagman 2.’

Sabi nga ni Sylvia, “one down. Gusto ko ring magkaroon ng project sina Arjo at Piolo (Pascual), Arjo at John Lloyd Cruz, Arjo at Jericho Rosales, wish ko lang naman.”

Posibleng lahat ang wish dahil sigurado kami na gusto ring makatrabaho ng mga nabanggit si Benjo Malaya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …