Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-etsapuwera sa The Heiress, ikinalungkot; Uunahan na lang ang MMFF

ANG daming nalungkot na kasamahan sa panulat na hindi napasama ang horror movie na The Heiress ni Maricel Soriano produced ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2019 dahil ang daming nag-aabang.

Binago na kasi ng pamunuan ng MMFF na isang genre lang sa walong pelikulang kasama sa MMFF 2019.

Ang horror movie na Sunod  ni Carmina Villaroel mula sa Ten17 Productions ang kapalit ng K(Ampon) ni Kris Aquino na disqualified dahil sa pagbabago ng cast nito handog ng Quantum Films at Spring Films.

Going back sa mga nalungkot ay nasanay na kasi na laging kasama ang Regal Films kapag MMFF bukod pa sa masaya kasi kapag may entry sina Mother Lily at Roselle Monteverde at damang-dama iyon ng lahat.

Sa kabilang banda ay blessing in disguise na rin siguro na hindi napasama dahil mas napaaga pa ang showing ng The Heiress, ipalalabas na ito sa Nobyembre 27, inunahan na ang MMFF2019.

Matatandaang ganito rin ang nangyari noon sa pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na hindi nakapasok ang Super Parental Guardians at ipinalabas nila ito ng mas maaga, ang ending, super blockbuster ang pelikula.

Kaya naniniwala kami na may purpose kaya hindi nasama ang The Heiress sa December 25 dahil baka mas suwertihin sa November 27 playdate na pagbibidahan nina Maricel at Janella Salvador na idinirehe naman ni Frasco Mortiz.


FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …