Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

New show ni actor, ‘di naka-arangkada kahit kabi-kabila ang promo

PUSH pa more. Need pang i-promote nang husto,” ito ang seryosong sabi sa amin ng TV executive tungkol sa bagong programa ng TV network na konektado siya.

Kaliwa’t kanan ang promo ng nasabing programa na pinagbibidahan ng aktor at sa katunayan, laman siya sa lahat ng social media, print media, at Youtube channel ng bloggers na naka-interview sa kanya.

At dahil malakas at maganda ang resulta ng promo ng nasabing programa ay nag-expect ang pamunuan ng TV network na mataas ang ratings nito, pero nagulat sila dahil hindi man lang umabot sa kalahati sa katapat nitong programa.

“Oo nga, ang daming nagulat. Pero okay lang ‘yun, kasisimula pa lang naman, marami pang pasabog ang show, tiyak na aabangan ‘yan,” ito ang mensahe sa amin ng TV executive.

Pawang malalaki at mahuhusay na artista ang kasama sa programa kaya naniniwala ang lahat na aarangkada ito sa ratings game.

Tinanong kami ng TV executive kung napapanood namin ang programa at mabilis ang sagot naming ‘hindi!’ Dahil marami kaming dinadaluhang events. At saka parang hindi naman kami ang tamang taong dapat tanungin tungkol sa show.’

Natawa ang TV executive, “ay oo nga pala!  Bakit nga ba kita kinukuwentuhan, ha, ha, ha, ha.”

‘Eh, kasi magkaibigan tayo,’ ito ang mabilis naming sagot.

Anyway, inamin din sa amin na mataas ang expectations ng buong network sa programa nila dahil pakiwari nila ay ito ang makapagpapataob sa katapat nilang show sa kabilang network.

Well, abangan ang mga susunod na mangyayari.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …