Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, kapamilya na ng Atayde; gaya-gaya pa kay Ria

KUNG si Arci Muñoz ay mag-aaral ng Korean language sa University of the Philippines ay ito rin ang plano ni JM de Guzman para kumuha naman ng Spanish language.

Hindi pinag-usapan nina Arci at JM ang pagbabalik-eskuwelahan, naisip lang ng aktor.

“’Pag naayos ko na schedule ko, gusto kong mag-enrol ng Spanish,” sabi ni JM pagkatapos ng show niya sa Zirkoh Morato nitong Sabado.

Bakit naman Spanish ang napili? “Kasi parang ang lambing pakinggan, ang sosyal? Like ‘mi amor’ (my love), ‘di ba?”

Biniro namin ang binata ng, ‘hmm kasi si Ria (Atayde) nag-aral ng Spanish language sa Spain?’

“Oo nga, nabanggit niya sa akin. Very fluent nga siya magsalita ng Spanish,” sang-ayon ni JM. Iniba na ng aktor ang usapan at halatang ayaw niyang pag-usapan ang dalaga.

Napag-alaman din naming kasosyo si JM sa itinayong gym ni Brandon Vera sa may Katipunan Road, Quezon City.

“Kami-kami nina Tita Sylvia (Sanchez), si Brandon Vera ‘yung pinaka-main investor dito. Tulungan mo kami, huh?” lambing ng aktor sa amin.

Kapag may sapat na oras ay nagbo-boxing si JM para maging fit pa rin siya at saka kailangan niya ng mahabang tulog bago sumalang sa trabaho.

“Tapings ng ‘Pamilya Ko,’ Monday-Wednesday-Friday, tapos tulog naman ako ng Tuesday-Thursday at Saturday,” sabi ng aktor.

Samantala, excited si JM dahil nitong Oktubre ay may out of the countries show siya para sa TFC Kapamilya.

“Masarap ‘yun, makakapag-promote kami ng show, makakahinga,”say ng aktor.

Anyway, kaarawan pala ni JM sa Setyembre 9 (31 years old) at binigyan siya ng cake ng fans niyang nanood ng show at natuwa naman ang aktor.

Samantala, sa nakaraang mediacon ng Pamilya Ko ay binelatan ng aktor ang katotong nagtanong kung bahagi na siya ng pamilya Atayde na inoohan naman ni Sylvia.

Ani JM, “bahagi na raw po ako ng pamilya nila.”

At dito na nabanggit ng aktor na nagkasama sila ni Arjo sa Ang TV, pero bata pa noon ang kuya ni Ria kaya matagal na silang magkakasama.

Napapangiti lang ang aktor noong binanggit naming nag-viral ang pambebelat niyang iyon pero halatang masaya dahil sumasayaw-sayaw pa sa harap namin.

Napag-alaman din naming maglalabas ng bagong album ang aktor, “mayroon na, may mga inaayos pa kasi mayroon akong gustong palitan sa list of songs. Mayroon na akong 50 songs.”

At least back to singing na ulit ang aktor bukod sa acting kaya tiyak na mas lalong matutuwa ang fans niya na hindi siya iniwan kahit na nawala siya pansamantala sa showbiz.

Mapapanood na ang Pamilya Ko sa mismong kaarawan ni JM, Setyembre 9, Lunes bago mag-TV Patrol.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …