Saturday , November 16 2024

Mabuhay Lane 100% obstruction free — VM Honey Lacuna

IPINAGMALAKI ni Vice Mayor Honey Lacu­na kahapon na hindi na kailangan pang maki­pag-unahan ng Maynila sa itinakdang 60-day deadline para tumugon sa utos ni President Rodrigo Duterte na ma­bawi ang lahat ng mga kalye mula sa pribadong sektor dahil malinis na ito sa lahat ng uri ng ilegal na estruktura, may dalawang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Lacuna, nauna na ang Maynila sa pagsasagawa ng clearing operation sa lahat ng mga nakasaga­bal na ilegal na estruk­tura sa kalsada ilang araw matapos maupo bilang punong Lungsod si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ang pagsasagawa ng sorpresang clearing operations sa mga kal­yeng talamak sa obs­truction na kinabibi­langan ng Divisoria, Carriedo, Soler at Juan Luna ay labis na ikina­tuwa nang marami.

Ayon kay Lacuna, ang mga nasabing kalye ay laging problema sa trapiko dahil hindi mada­anan dahil barado ng mga vendor at ng kanilang mga paninda.

Ayon kay Lacuna, bago nag-State of the Nation Address (SONA) si Duterte, ay malinis na sa mga vendors ang nasabing mga kalye.

Dahil sa inisyatiba ni Mayor Isko, ay iniutos ng Department of Interior Local Government (DILG) sa lahat ng  local government sa bansa ng 60 araw mula 29 Hunyo para linisin ang lahat ng uri ng sagabal sa kalye na gina­gamit na paradahan at puwestohan ng mga vendor.

Binanggit ni Lacuna sa kanyang pakikipag-usap kay Isko, habang siya ang acting mayor, malinis na sa lahat ng obstruction ang tina­guariang ‘Mabuhay Lanes’ may dalawang Linggo ang nakararaan base sa ulat ni  hawkers chief, ret. Col. Carlos Baltazar, Jr.

Sa ulat ni Baltazar, 100% clear na ang Mabu­hay Lane at mahig­pit na ipinapatupad ang ‘no vendor policy.’

Kabilang sa sakop mg Mabuhay Lane ang mga sumusunod na kalye: Matimyas, Plaza Noli, Fajardo, Vicente Cruz, Lardizabal, M. dela Fuente, Carriedo, Carlos Palanca, Padre Burgos,. Muelle del Blanco, Dapitan, C.M. Recto, Dagupan, Morio­nes, Maria Clara at A.H. Lacson streets;  Roxas, Ayala at R. Magsaysay Boulevards;  Taft at Quirino Avenues hang­gang South Super High­way.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *