SPEAKING of Atty. Joji Alonso ay nakabibinging palakpakan ang narinig namin pagkatapos mapanood ang Belle Douleur sa Gala Night nito sa pagbubukas ng Cinemalaya 2019 nitong Sabado.
Puring-puri si Atty. Joji bilang direktor ng pelikula nina Mylene Dizon at Kit Thompson kasi naman ang ganda ng pelikula, ang ganda ng shots, usaping teknikal maayos, walang butas pati sa story-telling, may closure at hindi bitin. Hindi ka mapapaisip paglabas mo ng sinehan.
Ang ganda ng kuha ni direk Joji sa love scenes nina Liz at Josh, nakakai-in-love as in dahil ang sexy-sexy nina Mylene at Kit.
Sinong magsasabing 45 years old na ang aktres at 22 naman ang aktor? Bagay nga sila sa screen, hindi mo iisiping ganito kalaki ang age gap nila.
Matatawa, maiiyak, mai-in love, at manghihinayang ka sa Belle Douleur, sama-samang emosyon ang naramdaman namin habang pinanonood namin ito totoo nga, Beautiful Pain ang ending.
Sa mga hindi makakapanood ng Belle Douleur sa CCP, abangan ito sa mga sinehan dahil ipalalabas ito na nakakuha ng R-16 sa MTRCB.
Para sa amin si Mylene ang Best Actress, Best Picture ang Belle Douleur, at Best Director si Atty. Joji. Si Kit, kung hindi man manalo sa Cinemayala15th year ay tiyak na mananalo siya sa ibang award giving body.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan