Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yam, pinalitan si Erich sa Love Thy Woman

KOMPIRMADONG si Yam Concepcion na ang kapalit ni Erich Gonzales sa teleseryeng Love Thy Woman na pinangungunahan nina Xian Lim at Kim Chiu mula sa Dreamscape Entertainment na idinidirehe ni Jeffrey Jeturian.

Base sa tsikang nakuha namin, hindi nagustuhan ni Erich ang unti-unting pagbabago ng karakter niya habang nagte-taping sila bagay na malayo sa unang sabi sa kanya.  Lumalabas na kontrabida siya kina Xian at Kim.

Para sa amin ay hindi naman kontrabida si Erich kundi bida-kontrabida at maganda ito para sa status niya bilang aktres na ibig sabihin ay nag-level up na ang acting niya at hindi lang pang-leading lady na bagay lang ito sa mga pasimula palang ang career o kaya hindi nakikitaan ng improvement sa pag-arte.

Kami ang nanghinayang para kay Erich dahil base sa pagkakaalam namin ay ang ganda-ganda ng karakter niya sa Love Thy Woman. 

Anyway, hindi pa namin nahihingan ng reaksiyon si Erich tungkol dito dahil kasalukuyan siyang nasa Japan kasama ang Ate Kris Aquino niya at sina Joshua at Bimby with KCA Staff, Alvin Gagui, at Bincai Luntayao.

Going back to Yam ay hindi pa nakakalimutan ng Madlang Pipol ang karakter niyang si Jade sa seryeng Halik na talagang galit sa kanya ang lahat dahil sa pangangaliwa niya sa asawang si Lino (Jericho Rosales) at kabit naman ni Ace (Sam Milby).

Ang laking impact ng Halik sa buhay ni Yam kaya kaliwa’t kanan ngayon ang imbitasyon niya sa ibang bansa para shows at personal appearances.

Katatapos lang din mag-shoot ni Yam ng horror film na Night Shift mula sa direksiyon ni Yam Laranas produced ng Viva Films at Aliud Entertainment.

At heto pagkalipas ng tatlong buwan ay magte-taping na ulit si Yam ng Love Thy Woman.

Samantala, wala namang binanggit ang Dreamscape Executives kung si Yam na ang kapalit ni Erich base na rin sa IG post ng litratong magkasama sina Yam, manager niyang si Veronique del Rosario at Dreamscape business unit head Rondel Lindayag at iba pa.

Ang caption ng litrato, “YAM CONCEPCION joins the cast of #LoveThyWoman!( Thank you, @yamconcepcion & Ms. @veroniquecorpus. Welcome to the Love Thy Woman family!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …