Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikreto ng piercing nina Ria at Kath, inilahad

SAMANTALA, pagkatapos ng presscon ay tinanong namin ang tungkol sa piercing niya sa kanang tenga na pareho ni Kathryn Bernardo. Naunang ibalita ng bida ng Hello, Love Goodbye na super good friends sila ni Ria kasama si Juan Miguel Severo.

“Noong nagmo-movie po kami napag-usapan lang na (magpalagay ng piercing), nag-start po ang friendship namin sa ‘The Hows of Us’ last year. Since then lagi na kaming magkausap at magkasama. Hindi lang kami nagkakausap lately because Kathryn has been very busy,” saad ng dalaga.

Ina-acknowledge ni Kathryn na malaki ang naitulong nina Ria at Juan Miguel sa mga major decision niya sa buhay. “Oo nga po I read that, nakakikilig, siguro po para kaming ate at kuya ni ‘Gege (Juan Miguel) sa kanya kasi we’re older, Kathryn is 23, I’m 27 and ‘Gege is 30.

“Ma-opinyon kaming tao ni ‘Gege and she (Kathryn) knows that when it comes to her work, we really sinasabi namin na ‘ito we like this and sana ganyan and she’s like that with us as well and we’re all very open with each other with our thoughts, with each other’s art,” kuwento ni Ria.

Maging sa lovelife ay nagtatanong din si Kath, “pero wala naman masyadong hingin, okay naman sila ni DJ (Daniel Padilla).”

Anong klaseng kaibigan naman si Kathryn para kay Ria? “Maalaga. Kita niya may allergy ako sa mukha, one-time nag-IG story ako nagpadala kaagad ng allergy cream para sa mukha kasi I got allergy a lot, sakitin nga ako ‘di ba? Siya rin nagturo sa akin na I have to always fix myself ganyan, she reminds me.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …