Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy 2 at Neil, abala sa limang pelikulang ipo-prodyus

SA huling panayam namin kay Neil Arce sa ginanap na #PPPGrandLaunch2019 ay inamin nitong marami silang pelikulang naka-line up ni Boy 2 Quizon.

“Alam mo maraming naka-line up, eh. Hindi ‘yun matutuloy kung hindi natin alam. Mahirap magbitaw kung ilang number of films kasi kahit magplano kami ng 20 films, depende pa rin ‘yan sa schedule ng artista, sa director sa ganyan, so hirap magbitaw ng numbers. So far right now, tatlo na ang nakakasa tapos early next year 2 (films),” sabi sa amin.

Aminadong mahirap ding maging producer, “mahirap!  Nakaka-stress!”

Kasama si Neil sa N2 Productions na itinatag nila ni Boy 2 at katuwang nila ang Spring Films para sa pelikulang I’m Ellenya L na kabilang sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino entries na mapapanood simula Setyembre 13-19 sa Metro Manila.

Ito rin ang unang directorial job ni Boy 2.

Samantala, may nabasa kaming ibinebenta ang warehouse ng Arce Dairy sa may Balintawak Quezon City at pinabulaanan ito ni Neil. Ang kilalang ice cream ay pag-aari ng tatay ni Neil na itinatag ng kanyang lolo Don Ramon Arce Sr. noong 1935.

Ang tatay na ngayon ni Neil ang may-ari ng Arce Dairy at sa tanong namin kung bakit hindi siya sumosyo, “Mas gusto ko ng sariling negosyo para iba, at saka bago palang ako ipanganak mayroon na ‘yun (Arce Dairy Ice Cream), naitayo na,” katwiran ng binata.

Dating poker player si Neil at nagka-interes sa pagpo-produce ng pelikula kaya ito ang pinagkaka-abalahan niya ngayon kasama ang mga kaibigan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …