Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, DOT ambassador na dahil sa memes ni Dani Gurl

HAYAN dahil sa memes ni Daniella Mondragon ng Kadenang Ginto na kung saan-saang parte ng Pilipinas nakakarating gayundin sa ibang bansa, napansin na siya ng Department of Tourism head na si Ms Bernadettle Romulo-Puyat.

Napanood ni Puyat ang panayam nina Dimples Romana, Beauty Gonzales, at Richard Yap sa Bandila na dahil sa mga lugar na hindi pa niya narating ay nabanggit ni Romina na baka mapansin siya ng DOT at kuning endorser na kaagad namang sinang-ayunan ni Daniella. Katunayan, may extra siyang limang pulang damit na maaari niyang gamitin sa paglilibot na ini-screen shot naman ng DOT head at sabay post sa kanyang Instagram account.

Ang caption, “in a recent interview, both Ms. @dimplesromana and Ms. @beauty_gonzalez mentioned the Department of Tourism because of their memes that are now trending. We will be more than happy to welcome Dimples and Beauty to be part of the fun! Thank you for being our volunteer tourism ambassadors and congratulations on going viral! #DaniGurl #OhDan i#itsmorefuninthephilippines.”

At noong Lunes, Hulyo 8 ay dinalaw ni Dimples ang DOT head.

Post ulit ng hepe ng DOT, “GUESS WHO SURPRISED ME THIS AFTERNOON???? Missing you @beauty_gonzalez!! #Repost@mariodumaual #ohdani! The evil daniela still in red OOTD @dimplesromana finds her new nemesis in Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat @bernsrp. The actress, minus her luggage, made a surprise courtesy call to volunteer as tourism advocate of PH heritage sites/ destinations; and to teach Puyat how to be a contravida @abscbnnews #kadenangginto#DaniGurl.”

Kaya huwag nang magtaka ang netizens kung mas maraming memes na lugar ang mapuntahan ni Daniella dahil may collaboration na sila ng DOT.

Ang galing dahil wala pang isang linggo ang ginanap na mediacon para sa Kadenang Ginto Book 3, heto at may bagong pagkaka-abalahan na sina Dimples at Beauty.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …