Saturday , November 23 2024

Hagupit ni Isko epalitiko sapol

BAGO ang lahat mga ‘igan, nais po muna nating batiin ang lahat ng bagong talagang “Manila City Hall Officials” na silang makatutuwang at makakatulong ng bagong halal na alkalde ng Lungsod ng Maynila, Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa pamamalakad ng bagong pamahalaang lungsod.

Isa na rito ang itinalagang officer-in-charge sa Bureau of Permits, bukod sa pagiging officer-in-charge sa License Division ng City Treasurer’s Office, mga ‘igan ito’y walang iba kundi ang maprinsipyong si Atty. Paul Vega!

Good Luck Bossing! ‘Ika nga, “Do the right things…and do things right.” Congratulations po at mabuhay po kayong lahat!

Go go go…

 

TULOY–TULOY mga ‘igan ang hagupit ni Mayor Isko Moreno sa Maynila. ‘Ika nga ng “Batang Maynilang” hinding-hindi palalagpasin ang katiwalian ng mga tampalasan.

Mantakin n’yo nga naman mga ‘igan, kamakailan lang, sa kasagsagan ng kampanya ni Isko — linisin ang mga kalsada at bangketa ng lungsod — ano’t may nagsulputang parang mga kabute?

Aba’y mga tent na kulay asul pa (paboritong kulay ni Isko) sa mismong puwesto ng mga vendor, partikular d’yan sa Plaza Miranda at sa mga kalyeng kalapit nito. Bagamat ‘di naman umano ito sagabal sa kalsada, pero wala itong basbas mula kay Ka Isko.

Kanino humuhugot ng lakas ng loob at tapang ng mukha ang mga vendor? Mga walang takot! Sus ginoo!

Sa pag-arang­kadang ito ni Ka Isko, lalo ang pag­papatalsik sa mga vendor sa mga kalsada, aba’y nagsulputan din ang mga ‘suhulan-blues.’

Sinubukang ta­pa­lan umano ng 5 milyon kada-araw si Ka Isko masunod lamang ang kani­lang ilegal na traba­ho.

Ngunit, bigo ang mga ungas, nagpakatatag ang ‘Batang-Maynila,’ ‘di nagpa­si­law sa salapi. Kaya naman, kasunod nito’y kaliwa’t kanang pagbabanta sa kanyang buhay. Ganoon pa man mga ‘igan…deadma lang kay Mayor Isko!

Katapat daw ng masasamang elemento ng lipunan ang kanyang mga anting-anting…he he he…at ipagpapasa–Diyos na lamang ang lahat.

Kasunod nito mga ‘igan, ang panawagan ni Ka Isko, sa pamamagitan ng isang pagpupulong ng Manila City School Board, para sa pagbabawal ng paglalathala ng pangalan ng mga politiko sa mga paaralan.

“Pinabubura ko, pinatatanggal ko ang mga pangalan ng mga politiko. Ultimo pangalan ko at pangalan ng mga politiko na naka-welding, nakapintura, nakakabit sa mga eskuwelahan,” mariing winika ni Ka Isko.

Kung sabagay, ano mang proyekto, partikular sa mga pampublikong paaralan, ay pera nga naman ng taong-bayan at hindi ng politikong nagbibida-bidahan. Tama ngang bansagan silang ‘epalitiko.’ Mga epal na politikong pulpol…he he he…

Idagdag pa ang iniwang ulupong ni dating Manila Mayor Erap Estrada partikular d’yan sa Manila Barangay Bureau, aba’y wala na si Erap ay namamayagpag pa rin ang animal sa nasabing Bureau, sus ginoo.

Matatapos din ang maliligayang araw mo sa hagupit ni Ka Isko…wait ka lang ‘igan…may katapusan din ang kasamaan at ang katiwalian.

Sa magagandang simulain ni Manila Mayor Isko Moreno, marami ang natulala at napanganga. Maging ang mga senador, partikular si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ay talaga namang napahanga at umaasang magtutuloy-tuloy na ang pagpa­pabangon ng Maynila.

Binigyang pansin ni Senador Lacson ang mga naglipanang ‘squatters’ na kung saan-saan na lamang tumitira, tulad sa mga ‘creek,’ na lubhang mapanganib na lugar at na kanilang ikapapahamak. Tama ka ‘igan, ang ikasasaayos ng problemang ito’y… ikasasaayos din ng programang ‘Rehabilitasyon ng Manila Bay.’

Kaya naman, makiisa  at makisangkot na lamang sa magagandang programa at proyekto ni Ka Isko Moreno, tungo sa tunay na pagbabago at tuloy-tuloy na pagbangon ng Maynila sa pagkakalugmok nito sa putikan.

Full support lang mga ‘igan ang kailangan para sa maisakatuparan ng mga naudlot na pangarap… sa hinaharap…

Wow naman ‘igan!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *