Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diño, nairita sa nagpakalat ng lima pang kasali sa PPP3 

SPELL CONFIDENTIAL. #Respetonaman,” ito ang post ni Film Develop­ment Council of the Philippines Chair­person, Liza Diño kamakailan.

Nagkaroon kasi ng meeting si Dino noong Sabado, Hunyo 29 sa filmmakers at filmproducers at nabanggit ang mga pelikulang pinagpipilian para sa ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“We’re still in the middle of shortlisting films, so meaning, we’re still deciding on the final line-up,” say ni Ms Dino.

Nauna nang ianunsiyo ang tatlong pelikulang kasama, ang Cuddle Weather, The Panti Sisters, at LSS.

Laking gulat niya na walang 24 oras ay may leakage nang lumabas para sa limang pelikula na kasama sa PPP3 na gaganapin ngayong Setyembre.

Nairita rin ang isa sa hurado sa pagpili ng mga pelikulang kasama sa PPP na si Direk Joey Reyes kaya nag-post siya sa kanyang FB page ng ”Now, 2 of the finished films selected for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 are in hot water for BREACH OF CONFIDENTIALITY.”

Chinat namin si Ms Liza kung sino ang duda nitong nagkalat ng leakage pero hindi kami sinagot pa.

Samantala, sa Hulyo 11 ng tanghali naman iaanunsyo ang limang finalists para sa PPP3  kasama na rin ang Sine Kabataan Short Film Competition Filmmakers at makakasama rin ang mga artistang bibida sa bawat pelikula.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …