Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

4 Chinese nationals arestado sa rambol

HULI ang apat na Chinese nationals nang pagtu­lungang gulpihin ang tatlong customer na Filipino at sirain ang isang sasakyan sa labas ng isang bar sa Las Piñas City kahapon.

Nahaharap sa kasong physical injuries at mali­cious mischief ang mga suspek na sina ID Tian, 30; Li Hua, 23; Xia Chen, 26; at Zhao Zhoog Bao,34, pawang binata, residente sa Alabang Studio City, Muntinlupa City .

Kinilala ang mga bik­tima na sina Joel Caguiat, 43, may asawa, scuba diver instructor, ng 225 Generoso St.,  Barangay Talon 2, Las Piñas City; Carlos Federico Magpayo Gil, 42, may asawa, flight attendant, ressidente sa Judea St., Multinational Village, Parañaque City; at Amarante Orias Velas­co, 40, may asawa, cabin crew, ng Field Residences, Sucat, Parañaque City.

Sa pagsisiyasat nina P/CMSgt. Rene Mol­lenido, P/SMSgt. Gilbert Curaza at P/SMSgt. Jos­wey Tobias, mga imbes­tigador ng Station Inves­tigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 2:30 am nang mangyari  ang insi­dente sa parking lot ng Cowboy Grill sa Alabang-Zapote Road, Bgy. Al­man­za Uno sa Las Piñas City.

Nang lumabas ang mga biktima sa bar, kinu­yog umano sila at binugbog ng grupo ng mga lalaki na kinabibi­langan ng apat na Chinese nationals saka sinira ang bintana ng isang Toyota Corolla Altis na may pla­kang XJP 621, pag-aari ng biktimang si Velasco.

Agad nagresponde sina P/SSgt. Renato Calda, P/Cpl. Kimberly Acosta ng Police Com­munity Precinct (PCP-7) at mga tanod na sina Rosalie Sarmeinto, Erick Francisco, at Samuel Morales, ng Bgy. Talon, kung saan nadakip ang apat na Chinese national habang nakatakas ang iba nilang kasama.

Positibong itinuro ng mga biktima ang apat na suspek na kabilang sa nambugbog sa kanila.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang awtoridad para sa ikada­rakip ng iba pang suspek.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …