Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, nanghinayang sa ipo-produce sanang pelikula kay ‘lolo’ Eddie

I  still can’t believe you’re gone, it’s so painful… can we have bourbon and Oreos again, please? Missing your random calls already. I love you sooooooooo much, Legend. I love you more than you could ever imagine. I love you so much. Till we eat Oreos again,” ito ang simple pero ramdam mo ang sensiridad na caption ni Arjo Atayde sa litrato ni Eddie Garcia na naka-post sa kanyang Instagram account.

Unang nagkasama sina Arjo at Tito Eddie sa aksiyon-seryeng Ang Probinsyano bilang mag-lolo. Ginampanan ng aktor ang karakter na Joaquin Tuazon.

Sa mga naunang panayam kay Arjo, hindi nawawala ang pangalang Eddie Garcia sa mga iniidolo at gusto niyang makatrabaho ulit.

Ngayon lang namin ito isusulat, na noong unang araw palang na dinala si Tito Eddie sa ospital ay dumalaw na kaagad si Arjo at walang nagsulat nito dahil ayaw niyang mabahiran ng showbiz.

Sa katunayan, may gagawin sana silang pelikula ni Tito Eddie bilang mag-lolo at ito ang unang pelikulang ipo-produce ng aktor katuwang niya ang grupo nina direktor- mayor Lino Cayetano, Shugo Praico ng Rein Entertainment na nasa likod din ng Bagman sa iWant.

Kaya ramdam namin ang panghihinayang ni Arjo na hindi natupad ang isa sa bucket list niya.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang mga nababasa naming positibong feedback kay Arjo bilang si Elai ng The General’s Daughter na ayon sa mga sumusubaybay ng programa ni Angel Locsin, kahit hindi nagsasalita masyado ang actor, mahirap ang karakter niyang may autism.

“Hindi biro ang umarte kang autistic ha, nakaka-drain ‘yun,” sabi ng avid follower ng TGD na napapanood pagkatapos ng Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …