Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, inalmahan, ‘paggamit’ sa kanya ng online seller

HINDI masisisi ang mga artista kung hindi sila pumapayag ng video greetings para protektahan ang kanilang pangalan.

Kamakailan ay nakita namin ang FB post ni Aiko Melendez na iritable siya sa isang online seller ng isang produkto na ginamit siya para sa promotion nito sa social media.

Aniya, “Nakaiinis ‘yung nagbabayad ka para sa isang produkto tapos ang ending gagamitin ‘yung name at pictures mo para makabenta ng product nila. I’m upset!”

Nabanggit pa ni Aiko na magkaiba ang paying customer at endorser.

“Sa aming mga artista ‘yung paggamit ng pictures namin sa halos lahat ng promotional sales n’yo, that’s a big no no.. Just saying. Hindi naman porke’t mabait sa inyo. Gagamitin na agad pictures namin,” paliwanag pa.

At nagbigay na rin ng babala si Aiko na kapag hindi tinanggal ang litrato niya ng nasabing online seller ay padadalhan niya ng demand letter.

“This is already a warning post. Pls. stop using my pictures to gain sales. You didn’t ask permission for my pictures to be used in your networking business.

“I may have tried your product, but to claim that my weight loss was because of your product IS NOT RIGHT, AND DEFINITELY NOT TRUE! Lalo na kung wala namang nakikipag-usap sa akin and my management team regarding endorsement of your company. Bring down your posts pls!” pahayag ng aktres.

Sa pangyayaring ito ay hindi na muna pagbibigyan ng aktres ang mga humihingi sa kanya ng video greetings lalo na sa mga taong hindi niya kakilala.

“Roon sa mga nag-PM sa akin para sa video greet, na-trauma na ako po. Nagpapa-greet kayo ng Happy Birthday tapos ipakikita n’yo sa video slides n’yo na gumagamit ako ng produkto n’yo. Ano kaya ‘yun?

“Kaya pasensya na po hindi ako gagawa muna ng video greet kahit kanino po. Pasensya na po,” paliwanag ni Aiko.

Samantala, itinanghal na Best Actress si Aiko sa katatapos na Subic Bay International Film Festival 2019 para sa pelikulang Tell Me Your Dreams mula sa direksiyon ni Anthony Hernandez.  Naka-tie ng aktres si Sylvia Sanchez sa parehong kategorya.

Hindi nakarating si Aiko sa nasabing event dahil may prior commitment siya na hindi puwedeng hindi unahin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …