Friday , November 22 2024

Jerome, aminadong lamon na lamon ni Jane

KUNG dati ay medyo aloof ng kaunti sa media si Jerome Ponce, ngayo’y malaki na ang ipinagbago niya dahil aniya, matured na siya. Oo nga, rati kasi kapag nasasalubong namin siya ay deadma lang at laging nagmamadali.

Inamin naman ito ni Jerome na medyo bata pa siya noon at may mga angst siya dahil nga produkto siya ng broken home at sarili lang niya ang binubuhay niya.

Pero ngayon ay masayang naikuwento ng bida ng pelikulang Finding You na nakatutulong na siya sa kanila, nag-aabot na siya para sa gastusin ng mga kapatid na nag-aaral.

Sobrang nagpapasalamat si Jerome dahil marami siyang project sa Regal tulad ng Haunted Mansion, Walwal, Finding You, at ang Henerasyong Sumuko sa Love na ipalalabas palang ngayong taon.

Mauuna muna ang Finding You at kasama ni Jerome sina Jane Oineza at Barbie Imperial.

Kuwento ni Jerome, “Exciting ito kasi first time kong magta-topless, first time kong magkakaroon ng ewan ko, bed scene ba tawag doon? Pero ito, very wholesome naman siya.

“Second time na namin ni Barbie, may ‘Ipaglaban Mo’ kami before na may eksena na parang magkasintahan kami, namatay siya at ako ang nasisi. Chill lang kami noon. Hindi pa kami ganoon ka-close rati pero nag-uusap kami.

“Asaran lang pero ngayon pagdating sa work eventually dumating ‘yung point na parang okay kami.

“Until sinabi na lang nila direk, ‘Alam mo okay kayo. Ang galing niyo roon ah. Parang, matagal na ba kayong magka-work?’ So natuwa ako na parang ‘yung mga ganoong tao na nagkakaroon kayo ng connection sa trabaho like sa amin ni Jane. Okay si Barbie katrabaho.”

Inamin ni Jerome na noong una niyang makatrabaho si Jane sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015) ay intimidated siya.

“Honestly, sobrang na-excite ako rito dahil makakatrabaho ko si Jane. Inaamin ko, noon, hindi ito ‘yung standard ko, pagdating sa trabaho. As in walang-wala ako rati.

“Masasabi kong bobo (ako). Nilalamon niya ako rati. Nilalamon niya ako bilang isang artista. Aminado ako roon. Hindi niyo man nakita, sa akin alam ko ‘yun eh. Dati wala akong kaalam-alam. Lamon na lamon ako. Jane Oineza is an actress,” pagtatapat ng aktor.

Ang Finding You ang masasabing bida si Jerome bilang si Nel dahil sa kanya umiikot ang kuwento ng taong may hyperthymesia na kabaligtaran ng amnesia.

Childhood friend ni Nel si Kit (Jane) at si Barbie ang ex-girlfriend niya na iniwan siya dahil sa kondisyon niya.

Sa tanong kung sakaling walang girlfriend si Jerome, sino kina Jane at Barbie ang pipiliin niya?

“Puwede bang both? May iba’t ibang reason ako sa kanila eh. First of all si Jane she knows a lot in my life. May diskarte, lahat. Matured na matured si Jane. Kaya niyang pangmatagalan talaga. Hindi ko sinasabing hindi ganoon si Barbie.

“Kay Barbie naman the other way around, parang something new, she’s the kind of girl na alam mong hindi ka niya iiwanan basta panindigan mo. So I’d want kahit sino man sa kanila at saka alam mo sa kanila na marunong sila magtiwala,” paliwanag ng binata.

Eh, kaso nahanap na ni Jerome ang kanyang future at ingat na ingat nga siyang sumagot kapag tinutukso siya kina Jane at Barbie dahil ayaw niyang masaktan ang girlfriend niyang non-showbiz.

Mapapanood na sa Mayo 29 ang Finding You mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer at produce ng Regal Entertainment, Inc..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *