Wednesday , December 25 2024
Students school

Brigada Eskwela umarangkada na

BILANG paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo, naki­bahagi ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa programa ng Department of Education (DepEd) na paglilinis ng mga silid-aralan at iba pang pasi­lidad sa ilang pampu­blikong eskuwelahan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 400 tauhan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang itinalaga ngayong araw sa 20 pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa Balik Eskwela program.

“Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa aktibidad na ito. Han­dang handa na ang ating mga tauhan na umasiste sa mga pampublikong esku­we­­la­han na humingi ng tulong sa atin para sa malinis at ligtas na lugar para sa mga estudyante,” ani Lim.

Ayon sa hepe ng MPCG na si Francis Marti­nez, nasa 15 tauhan ng MPCG ang naka-assign sa bawat paaralan.

Isa sa mga gagawin ng mga tauhan ng MPCG ang paglilinis ng paligid ng eskwelahan; pag-aayos ng mga upuan, mesa, pader, at iba pa; pagti-trim ng puno at paglalagay ng mga halaman, pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga drainage; at pagpi­pinta ng mga pedestrian lane markings depende sa hiling ng pamunuan ng eskwelahan, ani Martinez.

Aniya magbibigay ng dust pans na gawa sa ini-recycle na lata ng mantika sa ilang pam­publikong paaralan.

Ilan sa mga esku­welahang aayusin ng MMDA ang Palanan Elementary School at Bangkal High School sa Makati; Panghulo National High School, at Concepcion Technical Vocational School sa Malabon; Timoteo Paez Elementary School at Pasay City National High School sa Pasay; Juan Luna Elementary School at Antonio Maceda Inte­grated School sa Maynila; Sto. Cristo Elementary School at Holy Spirit National High School Annex sa Quezon City.

Ang Brigada Esku­wela ay taunang main­tenance program ng DepEd na nagtatagal nang isang linggo. Layu­nin nitong ipagsama-sama ang mga guro, magulang, at iba pang stakeholders para magsa­gawa ng clean-up sa mga pampublikong esku­welahan sa elementarya at sekondarya.  (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *