Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perez, bayani sa Pangasinan

HINDI binigo ni CJ Perez ang kanyang mga kababayan matapos magningning sa katatapos na 2019 PBA All Star Weekend na ginanap sa Calasiao, Pangasinan.

Tubong Bautista, Pangasinan, hindi ipinahiya ni Perez ang mga kapwa Pangasinenses nang buhatin sa 141-140 tagumpay ang koponang Rookies-Sophomores kontra sa mga kuya nilang Juniors kamakalawa ng gabi sa Calasiao Sports Complex.

Umariba ang Columbian Dyip guard na si Perez sa 32 puntos, 8 rebounds at 3 assists upang tanghaling Most Valuable Player sa pagbabalik ng RSJ game bilang selebrasyon sa ika-30 taon ng PBA All Star.

“Na-inspire lang ako maglaro kasi nga nandito ako sa hometown ko. Gusto ko ipakita roon sa mga kababayan ko, ma-inspire ko sila,” ani Perez na dating MVP ng NCAA mula sa Lyceum.

Inamin din ni Perez na dumaan muna siya sa kanilang bayan bago pumunta sa Calasiao upang kumuha ng lakas, inspirasyon at buwenas sa kanyang mga pamilya.

“Oo dumaan muna ako sa amin. Sana napasaya namin ang mga Pangasinense lalo ang pamilya na nanood din dito ngayon,” dagdag ng 25-anyos na guwardiya.

Magugunitang ito ang unang salang ni Perez sa All Star matapos mapili bilang top overall pick 2018 PBA Rookie Draft noong nakaraang Disyembre.

“First time ko sa All Star. It’s an honor,” dagdag niya.

“First time ko tapos isinali ako sa Slam Dunk. Hindi man ako nanalo, it’s an honor na makasali sa Slam Dunk sa PBA kasi minsan-minsan lang mangyari ‘yun. Tapos nanalo kami rito, talagang it’s an honor na maibibigay namin sa sarili namin at sa history rin ng PBA.”

Bukod sa RSJ Game, sumali rin si Perez sa slam dunk contest pero pumangatlo lamang kay Renz Palma ng Blackwater at kampeon na si Rey Guevarra ng Phoenix.

Mayroon ding ibang Pangasinense na nagbandera sa probinsiya sa pangunguna ni Marc Pingris (tubong Pozzorubio), Gabe Norwood (Calasiao) at Jason Perkins (Phoenix).  (JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …