Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bisita ng SPEEd sa Christmas Party — People who matter

NAROON kami noong Christmas party ng SPEEd, o Society of Philippine Entertainment Editors. Iyan ang samahan ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo. Kung hindi lehitimo ang diyaryo mo, wala ka riyan.

Iyan ang isang award giving body din na dinadaluhan namin ang mga okasyon, kasi alam namin na iyang SPEEd, iyan ang nagbibigay ng awards na hindi “nabibili”.

Subukan mong suhulan ang mga miyembro ng SPEEd kung hindi masampal ka pa. Hindi iyan kagaya ng iba na nagso-solicit ng “sponsors”.

Masaya iyong Christmas party ng SPEEd, kasi ang naroon ay mga magkakaibigan lamang. Naroroon din ang sinasabi nilang “people who matter,” hindi mga kung sino lang. Wala silang stars. Hindi rin naman sila dinadagsa ng starlets. Maririnig mo ang mga usapan, kung paano ang gagawin para mas maging propesyonal ang paghahatid ng entertainment news, at kung ano ang makabuluhang opinion, hindi kagaya sa iba na ang maririnig mo ay kung sino ang magbibigay ng “relevance”.

Hindi naman sa nilalait namin iyong iba, pero nakikita kasi namin ang kaibahan talaga niyong mga propesyonal na peryodista, kaysa roo sa mga nasa diyaryong hotoy-hotoy lamang.

Maaga ang naging Christmas party ng SPEEd simula noong mawala si Kuya Germs, sila na ang laging nauuna.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Sharon movie, ‘di kumita dahil sa maling formula (‘di dahil sa pagboykot ng dilawan)

Sharon movie, ‘di kumita dahil sa maling formula (‘di dahil sa pagboykot ng dilawan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …