Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Calvin Abueva Maine Mendoza Arjo Atayde
Vice Ganda Calvin Abueva Maine Mendoza Arjo Atayde

Mga relasyong ‘di inaamin, nauuso sa showbiz

MUKHANG mauuso ang mga relasyon sa showbiz na ‘di aaminin. At hindi sila aamin dahil wala namang advantage para sa kanila na umamin. At wala ring disadvantage kung ‘di sila umamin.

Mag-date man nang mag-date sa syudad o out-of-town sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, pati na sina Vice Ganda at Calvin Abueva, hindi sila kailangang umamin na may relasyon sila. Sina Maine at Arjo nga, nakaaabot na ang pagdi-date hanggang Bali, Indonesia, sina Vice at Calvin naman ay nakarating na hanggang Boracay.

Malamang na ngayong Christmas season, sina Maine at Arjo, Vice at Calvin pa rin ang magdi-date pero rito lang sa Metro Manila. May entries kasi sina Maine, Vice, at Arjo sa darating na 2018 Metro Manila Film Festival kaya kailangan silang mag-promote ng pelikula.

Actual­ly, magka­sama sina Maine at Arjo sa Jack Em Poy: Pulis­credibles pero ‘di sila magka-loveteam. Si Coco Martin ang parang ka-loveteam ni Maine sa istorya. Most likely ay supporting role na kalaban ng kampo nina Coco, Maine, at Vic ang papel ni Arjo. Nagkaka­pangalan na siya bilang character actor na kontrabida (ang galing n’ya sa Buybust!) at usually ay hindi naman binibigyan ng leading lady ang character actors.

Si Vice naman ay bale sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang kasama sa Fantastica. Never naman siyang nagka-loveteam sa pelikula. In real life, mahilig talaga siya sa basketbolista.

Sanay siyang nagpapahiging lang kung sino ang karelasyon n’ya, o kung kanino siya nakipag-break.Ganoon ang ginawa n’ya roon sa basketbolistang ang initial ay TR. Tungkol naman sa kanila ni Calvin,  siya mismo ang nag-post sa Instagram n’ya recently ng pictures nila sa isang lugar na pinagsususpetsahang Boracay. Hindi siya ikinahihiya ni Calvin kaya gustong-gusto n’ya ito.

Happily, parang wala naman sa rules and policies ng mga organisasyong sumasakop sa mga basketbolista na bawal silang maging malapit o magkarelasyon sa mga bading.

Mukhang hindi papayag si Maine na tumambal kay Arjo sa pelikula man o sa TV, pati na rin sa pag-e-endorse ng ano mang product o service. Dahil parang totoo na nga ang relasyon nila, baka may bumuo ng fans club nilang dalawa at mag-demand na naman ng kung ano-ano mula sa kanilang dalawa. Malilimitahan ang personal life nila. Makita lang nila si Maine na may kausap na ibang lalaki, kakatsang na sila na nagtataksil ito.

Actually, ‘pag nagbibiyahe ng out-of-town resorts at out-of-the-country ang showbiz personalities na nali-link sa isa’t isa, biyahe na walang kinalaman sa isang show, ‘di na nila kailangang umamin pa. Ganoon ang ginawa nina Kim Chiu at Xian Lim, Liza Soberano, at Enrique Gil, Ellen Adarna, at John Lloyd Cruz.

But, okey lang na kulitin nang kulitin ng media people at ng bloggers ang mga showbiz idol kung sila na nga ba o hindi pa. Sa pagtatanong nakaangkla ang propesyon nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …