Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Gal Gadot
Andrea Torres Gal Gadot

Andrea, Gal Gadot ng ‘Pinas

PANG-Hollywood ang dating ni Andrea Torres dahil may mga avid viewer ang Victor Magtanggol na ikinukompara si Andrea kay Gal Gadot.

Bilang si Sif sa Victor Magtanggol ay seksing superheroine si Andrea, seksi ring superheroine si Gal bilang si Diana Prince o Wonder Woman.

Kinilig si Andrea at tila hindi makapaniwala nang banggitin namin ito sa kanya.

“Siyempre isa rin ‘yun sa mga peg ko talaga, kasi kakalabas lang niyong movie ‘di ba? ‘Pag superhero naman na babae parang ngayon ‘yun talaga ‘yung top of anyone’s mind eh, si Wonder Woman eh, fan din ako.”

“Grabe” kung i-describe ni Andrea ang mga napanood niyang videos ng training ni Gal na paghahanda bilang Wonder Woman.

Nag-training din naman si Andrea para sa role niya bilang si Sif.

“Ako lang ang gumawa ng sarili kong program, kung paano mas maging maganda ‘yung atake sa role as Sif.”

Nag-research lamang siya online ng mga puwedeng gamitin niyang pang-training; hanggang ngayon nagte-training pa rin siya.

“Oo, continuous naman, kahit na puyat nagdyi-gym pa rin naman ako, gumagawa ako ng way.”

Ano na ang pinamahirap physically, at dangerous, na ipinagawa sa kanya sa Victor Magtanggol?

“Pinakamahirap siguro ’yung ginawa naming fight scene na sobrang dami kong kalaban na mga kawal, ang haba niyong paggawa niyon, parang commercial, eh. May storyboard talaga eh, tapos hati-hati kasi siya eh.”

Mag-isa siyang nakipaglaban sa maraming mga kawal sa naturang eksena na halos kalahating araw kinunan.

“Tapos ang daming shots, siyempre mag-isa lang ako.”

May eksena ring totohanang nasaktan si Andrea.

“Pero mga ano lang naman, mild lang naman. Like ito, recently lang, nagkasakitan kami ni Pancho sa in-ereng sword fight. Tapos marami na akong ano sa paa eh, marami na akong pasa, at saka cuts.”

Gumaganap si Pancho Magno bilang si Modi sa Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards na leading ladies sina Andrea at Janine Gutierrez bilang Gwen Regalado.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …