Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Through Night and Day Alessandra de Rossi Paolo Contis Veronica Velasco

Alex, nanigas nang tumalon sa blue lagoon sa Iceland

GUSTO ko na lang matawa kay Alex (Alessandra de Rossi) sa presscon para sa pelikula nila ni Paolo Contis ma idinirehe ni Veronica B. Velasco na ipalalabas na sa Nobyembre 14, sa mga sinehan na handog ng MAXX, OctoArts, at Viva Films.

Naglaro ang aktres at tuwing may magbubukas ng tanong tungkol sa lovelife niya, ang pag-iwas niya eh ang pag-alis sa harap ng kamera na nakatutok sa kanya.

Naiinis pala siya kapag nasusulat ang sagot niya sa mga tanong na ayaw nga niyang sagutim pero lumalabas pa rin naman at nasusulat na ayaw niya sagutin.

Eh, hindi nga tayo matatapos at magiging paulit-ulit na lang. Basta respetuhin na lang ang request niya na ‘wag na siya tanungin sa lovelife niya. Past man. Present. O padating.

So, focus sa Through Night and Day. Bag na gawa sa Iceland ang dahilan kung bakit ginusto niyang ma-explore ang bansang sa pakiwari niya eh, pinagmulan niya in her past life bukod sa roon nagmula ang singer na si Bjork.

Dumalawa pa siya ng punta. Occular. Shoot. Kasama pa niya ang dekada na niyang kaibigan at katrabaho na si Paolo.

“Sa akin ‘yung story. Pero ipinasulat ko sa friend ko na magaling din sumulat na si Noreen Capili. Magpapakasal na couple. Nag-explore sa dream destination nila. Renta ng camper van. Ikot habang nakikilala pa nila lalo ang mga sarili nila sa loob ng relasyon. Away. Bati. Saan ba humantong.”

Pero muntik human­tong sa pagka­tigok niya ang paglubog nila ni Paolo sa hot springs ng Blue Lagoon doon.

“Nanigas ako sa sobrang lamig. Feeling ko nagsara ang lungs ko. Matagal din. Siguro kung may heart condition ako natigok na ako ng tuluyan.”

Second life.

Ang importante nagagawa pa rin niya kung ano lang ang gusto niya.

So, in her next projects lalo kapag soap o TV, ask na siya ng kontrata. Matatawa ka talaga. Roon kasi sa soap nina Piolo Pascual at Arci Muñoz ang alam niya bida siya. Pinag-abot lang daw siya ng kape. Hay, Alex! Love ka namin talaga!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …