Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blatche, sabik nang bumalik sa Team Filipinas

NANGANGATI  na uling makapagsuot ng uniporme ng Team Pilipinas si naturalized import Andray Blatche.

Ito ay ayon sa kanyang pahayag kahapon ilang linggo bago ang nalalapit na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“War ready, waiting for that phone call for these two coming games,” ani Blatche sa kanyang post sa opisyal na instagram account na @draylive.

Kalakip ng post ang kanyang larawan suot ang Pilipinas jersey sa first round ng idinaraos na Asian Qualifiers.

Kasalukuyan pang gumugugol ng tatlong larong suspensiyon ang 32-anyos na si Blatche kasama sina Troy Rosario, Jayson Castro at Terrence Romeo dahil sa rambol kontra Australia noon pang nakaraang Hulyo.

Inaasahang matatapos na ang naturang suspensiyon sa 30 Nobyembre kontra Kazakhstan, na magbibigay-daan sa kanyang pababalik sa national team kontra Iran sa 3 Disyembre.

Bunsod ng napipintong pagbabalik ni Blatche, inaasahang lalong lalaki at lalakas ang Filipinas na hangaring mapatatag ang hawak nito sa ikatlong puwesto ng Group F hawak ang 5-3 kartada.

Sa ngayon ay nasa likod ng Australia (7-1) at Iran (6-2) ang Team Pilipinas at ang panalo sa dalawang home games sa Mall of Asia Arena kontra Kazakhstan at Iran ang lalong maglalapit sa kanilang sa pagpasok sa World Cup na gaganapin sa China sa susunod na taon.

Sasamahan ni Blatche sa lalong pinatatag na Team Pilipinas ni head coach Yeng Guiao ang iba pang higante na sina Christian Standhardinger, Ian Sangalang, John Paul Erram, Beau Belga, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Dagdag dito sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter na sa wakas ay magaling na ulit mula sa shin at ankle injuries, ayon sa pagkakasunod.

Isasali rin ni Guiao sa koponan si 7’1 teen sensation Kai Sotto upang masanay agad ang binatilyong higante para sa kanyang hinaharap na pagbandera sa national team.

Inaasahang papangalanan nin Guiao ngayon ang kanyang pinal na training pool matapos ang board meeting kasama ang PBA Board of Governors bago ang pagsisimula ng 2018 PBA Governors’ Cup quarterfinals.

 ni John Bryan Ulanday

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …