Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ten Ten Mendoza Kendoll
Ten Ten Mendoza Kendoll

Kendoll, naiyak nang tanghaling Best New Male TV Personality

HINDI naiwasang maiyak ng Eat Bulaga co-host na si Ten Ten Mendoza aka Kendoll sa pagwawagi sa katatapos na Philippine Movie Press Club 32nd Star Awards for Television 2018 noong October 14 , sa Lee Erwin Theater Ateneo De Manila Quezon City. Nagwagi bilang Best New Male TV Personality si Kendoll.

Pasasalamat ang gusto nitong ipaabot sa pamunuan ng PMPC, Eat Bulaga, at sa alagang si Alden Richards.

“Siyempre po nagpapasalamat ako sa PMPC (Philippine Movie Press Club) dahil napansin nila ‘yung paglabas ko sa ‘Eat Bulaga’.

“Maraming-maraming salamat po sa award na ibinigay n’yo sa akin, PMPC at siyempre sa Eat Bulaga at sa alaga kong si Alden Richards.

“Alam niyo naman po ako ang kasa-kasama niya sa taping, pero dahil nga nag e-‘Eat Bulaga’ ako, hindi ako nakakasama sa taping niya kahit sa out of town niya. Pero okey lang kay Alden at pinapayagan niya ako.

“Ang saya-saya po kasi hindi ko ni minsan pinangarap na aakyat ako ng stage para tumanggap ng award.

“Noong na-nominate nga ako, sobrang saya ko na at hindi na ako nag- expect pa na mananalo dahil mga sikat na artista ‘yung mga kalaban ko.

“Sabi ko nga sa sarili ko, a-attend ako ng Star Awards para samahan ko ‘yung alaga ko na nominated din.

“Pero sabi nila magbihis ako kasi nominated din ako. Kung ano ‘yung damitan ko sa ‘Eat Bulaga’ sa Boss Madam Segment at bilang si Kendoll.”

Naiyak si Kendoll nang tanggapin ang award dahil, “Sobrang kaba po. Hindi kasi ako makapaniwala na mananalo ako and first time kong tumuntong ng stage na ako ‘yung bibigyan ng award.

“Tapos ang daming tao, tintingnan ko sila, lahat sila nakangiti kinakabahan talaga ako.

“Iba po pala kapag nakatanggap ka ng award sa PMPC at nasa stage ka na sobrang nakakakaba. Ibang-iba ‘yung nasa ‘Eat Bulaga’ ako araw-araw nakakaloka,” pagtatapos ni Kendoll.

MATABIL
ni John Fontanilla


Andi, ‘di iiwan ang pag-arte kahit tumira sa isla

Andi, ‘di iiwan ang pag-arte kahit tumira sa isla

WEMSAP, kinabog ang ibang beauty pageant

WEMSAP, kinabog ang ibang beauty pageant

Ryan Kolton, wish makatrabaho si Liza Soberano

Ryan Kolton, wish makatrabaho si Liza Soberano

Kenken Nuyad, malaki ang pasasalamat kay Coco

Kenken Nuyad, malaki ang pasasalamat kay Coco

Papa Obet ng Barangay LS 97.1, haharanahin ang mga Pinay

Papa Obet ng Barangay LS 97.1, haharanahin ang mga Pinay

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …