Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clenched fist held in protest vector illustration. Panoramic

CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities

HINDI papayag ang mga opisyal ng Com­mission on Higher Education (CHED) na magamit sa maling paniniwala at mga ilegal na aktibidad  ang mga estudyante at mga unibersidad sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Cinderella Jaro, OIC executive director ng CHED, na umaaksiyon sila base sa official  communications na kanilang natatanggap, ngunit hanggang ngayon ay wala namang paabiso ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa isyu nang pagre-recruit umano ng mga komunistang grupo sa mga estudyante sa 18 unibersidad sa Metro Manila.

Iginiit ni Jaro, igina­galang nila ang kalayaan ng mga estudyante sa impormasyon at kala­yaang makapagtipon-tipon at makapaghayag ng saloobin, basta walang nilalabag na batas.

Sa intelligence report ng AFP, sinasabing nagre-recruit na ang mga ko­munistang grupo sa mga estudyante o sa loob mismo ng mga uniber­sidad.

Ginagamit umano ng mga komunistang grupo ang mga pagtiti­pon ng mga estudyante para ipapanood sa kanila ang tungkol sa martial law para im­pluwensiyahan ang kanilang pag-iisip para maging masama ang paniniwala nila laban sa  uri ng pamamahala sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …