Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DDB kay Duterte: Narco-list ng politiko’t kandidato isapubliko

IGIGIIT ng Dangerus Drugs Board (DDB) kay Pangulong Rodrigo Du­terte na payagan ma­ispubliko ang listahan ng mga politiko o mga kan­didato na sangkot sa ilegal na droga para ma­ging gabay ng mga botante sa pagpili ng mga ilu­luklok sa pu­westo sa 2019 midterm elections.

Ito ang pahayag ka­ha­pon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang posisyon aniya ng DDB, may karapatan ang mga botante na ma­ba­tid ang pagkatao ng mga kandidato na pipi­liin nilang maging kina­tawan nila si Kongreso o magiging pinuno sa kanilang lugar.

Giit ni Panelo, ang narco-lists na inihanda ng mga awtoridad kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay hindi imbento kundi batay sa intel­ligence reports na isinai­lalim sa serye ng kom­prehensibong pagtasa.

Makaaasa aniya ang publiko na ang narco-lists ay may kredibilidad at hindi propaganda la­mang para siraan ang mga kandidato.

Wala pa aniyang desisyon si Pangulong Duterte kung babasbasan ang paglabas ng narco-lists.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …