Friday , November 22 2024

Train Law suspension giit ng solon (Presyo ng mga bilihin para bumaba)

NANAWAGAN kaha­pon ang stalwart ng oposisyon na si Albay Rep. Edcel Lagman na ipasa agad ang joint resolution na pipigil sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law na aniya’y sanhi ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ani Lagman, dapat nang pagtuunan ng pansin ng liderato ng Kamara ang pag-apruba sa Joint Reso­lution No. 27 para ma­pigilan na ang pagtaas ng buwis sa produktong petrolyo.

Pahayag ni Lagman ang inflation ay aabot sa 6.8 porsiyento sa huling bahagi ng taon.

Ang Joint Resolution ay isinumite noong 10 Setyembre 2018 nina Lagman kasama ang iba pang miyembro ng  Mag­nificent 7, Makabayan Group at People’s Minority.

Binatikos ni Lagman ang polisiya ng gobyer­nong Duterte sa paglala­gay ng mataas na buwis sa mga produktong pe­trolyo.

“It is patently a flawed policy for the Philippines, an oil-importing country, to impose additional and higher excise taxes on petroleum products, while oil producing countries are even giving subsidies to maintain at low levels the pump prices of gasoline to protect consumers,” ani Lagman.

Lalong nagkagulo ang kalagayan ng Filipi­nas dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na lumagpas sa US$80 kada bariles.

Pinakamataas mula noong Nobyembre 2014.

Ang pagpapatotoo ng economic managers na magiging manageable ang inflation ay hindi magpapababa ng presyo ng mga serbisyo at bilihin.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *