Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Abunda
Boy Abunda

Boy Abunda, magaling sa mga diskusyon at issue na ginagamitan ng utak

BURADO na nga ang lahat ng ibang mga talk show host, wala na naman talagang natirang showbiz talk show, maliban sa show ni Boy Abunda, na tinatawag ngayong King of Talk. Dalawa pa ang kanyang talk shows, iyong Bottomline at iyong Inside the Cinema.

Isa lang ang nakita naming kaibahan ng dalawang shows na iyan. Habang ang ibang mga talk show ay nabuhay sa tsismis, iyong Bottomline at iyong Inside the Cinema ay tumatalakay ngayon sa mga diskusyon at issues na gina­gamitan ng utak. Diyan naman magaling si Boy.

Iyong ginagawa ni Boy ngayon, siguro maiku­kompara lamang sa ginawa ng host na nagsimula ng lahat ng iyan, si Inday Badiday. Kagaya ni Badiday, si Boy lang din  ang nakalipat-lipat sa iba’t ibang networks at nag-survive. Pero sinasabi niya, hindi siya naniniwalang forever ang pagiging talk show host niya. Pero sa palagay namin magtatagal pa ang kanyang panahon sa telebisyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon


KathNiel, biggest loveteam of all time
KathNiel, biggest loveteam of all time
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …