Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
salary increase pay hike

Inflation tututukan, federalismo ‘tabi muna

PAGLABAN sa pagtaas ng presyo ng bilihin ang prayo­ridad ng Palasyo kaya isinantabi muna ang ibang isinusulong na adbo­kasiya gaya ng federa­lismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng administrasyon na pangunahing dapat pagtuunan ng pansin ay bigyan solusyon ang pag­lo­­bo ng inflation kaysa fede­ralismo.

“Well, of course, right now, the foremost priority of the administration is fighting inflation. So everything is sidelined now,” sabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon. Hindi aniya inaa­sahan ng ­adminis­trasyon ang pagtaas bigla ng presyo ng krudo na naging sanhi ng inflation.

“Dahil hindi naman na­tin inaasahan talaga iyong pagtaas bigla ng presyo ng krudo at ng petrolyo. So, I would say that even the adminis­tration acknow­ledges na mas importan­teng harapin iyong pro­blema na malapit sa sikmura ng taong bayan, bagaman hindi po natin inaabandona ang federa­lismo,” dagdag ni Roque.

Aminado si Roque na marami pang diskusyon at pag-aaral ang dapat gawin at kailangang ipabatid sa publiko ang kabutihan ng federalismo.

Nauunawaan aniya ng administrasyon na ang deliberasyon sa 2019 budget ang inaatupag sa kasalukuyan ng Kong­reso. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …