Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre

Nadine, tumulong na, na-bash pa

WALA na talagang pinatatawad ang mga basher dahil kahit ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ng mga artista ay bina-bash pa rin.

Ang latest ay ang ginawang pagtulong ni Nadine Lustre sa Gift of Life International na nilagyan ng kulay nang mag-post ang Gift of Life International ng litrato ng actress habang nagbibigay ng tulong sa mga batang may heart ailments.

“Filipino celebrity Nadine Lustre visited the children being treated for their heart ailments at Vicente Sotto Memorial Medical Center. During her visit, she helped to put smiles on the faces of the children being treated and learned more about how Gift of Life is healing little hearts around the world.”

Hindi lamang ito ang tinutulungan ni Nadine, sa totoo lang, maraming institusyon ang tinutulungan niya especially kapag tungkol sa mga bata. Ayaw lang i-post ni Nadine ang mga litrato ng kanyang personal na pagtulong, kaya naman hindi siguro nito alam na ipinost ng Gift of Life International ang kanyang litrato.

Kaya naman sa mga namba-bash diyan unahin muna sigurong gumawa ng maganda at tumulong sa kapwa katulad ng ginawa ni Nadine at ng ibang mga artista bago mam-bash.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …