Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s incredible to be next to Popstar Princess — James to Sarah

READ: Direk Joyce, pinuri si Sarah: Kakaiba siya, matutulala ka talaga sa kanya
READ: The Lease, maipalalabas na; Producer, nagka-trauma

 ”SHE’S a great actress,” turing ni James Reid patungkol kay Sarah Geronimo sa pagsasama nila sa bagong handog ng Viva Films, ang Miss Granny na mapapanood na sa Agosto 22.

“It’s incredible to be next to Popstar Princess on the stage and dito naman sa movie, it’s different kind of performance,” sambit pa ni James. “She can pull off any role, she can plays very well,” ani James ukol sa pelikula na kuwento ng isang malungkot na lolang lampas 70 years old na muling nagkaroon ng kaligayahan nang bumalik siya sa kanyang kabataan matapos magpa-picture sa isang photo studio.

Hindi rin mailarawan ang kasiyahan ni James na natupad ang isang dream niya, ang makatrabaho ang isang Pop Superstar.

“For me, a lot of my dreams have been coming true, I feel really blessed and I’m so grateful to boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened. 

Isang apo ang ginagampanan ni James sa Pinoy adaptation sa original version ng feel good/dramedy Korean movie na Miss Granny at idinirehe ni Binibining Joyce Bernal.

Kuwento pa ni James, hindi niya malilimutan ang eksenang pinalo siya ni Sarah sa pwetan habang sila ay nasa bilihan ng bulaklak. ”It was really funny, ang saya.

“It’s a fun movie so the set is very fun. Direk Joyce is very cool… The scenes are very light and fun.”

Nang matanong ang actor kung paano siya naka-relate sa role niya sa pelikula, sinabi nitong, ”The genre is just different. I’m more on hip hop/RnB and he’s (his character sa movie) more on rock.”

Pagkatapos ng Miss Granny, balik music si James at sisimulan na rin niya ang pelikulang Pedro Penduko

Magkakaroon ng simultenous premiere night ang Miss Granny ngayong Lunes, sa Megamall at Trinoma.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …