Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngayon at Kailanman, first team-up teleserye nina Julia Barretto at Joshua Garcia eere sa Agosto 20

READ: Moviegoers 101 percent na nag-e-enjoy: “Unli Life” ni Vhong Navarro iba ang atake ng pagpapatawa
READ: Bhoy Navarette walang rivalry sa kapwa famous beauty gurus na sina Fanny at Leony

MASUWERTE ang JoshLia love team na sina Julia Barretto at Joshua Garcia at matapos nilang maging suporta sa mga patok na proyekto sa ABS-CBN.

This year, isang malaking break ang ipinagkaloob ng Kapamilya network at Star Creatives sa dalawa para magbida sa pinakabago at malaking teleserye na “Ngayon At Kailanman” na suportado sila ng malalaki at mahuhusay na bituin gaya nina Rio Locsin, Alice Dixson, Iza Calzado, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, Christian Vasquez, at nagbabalik telebisyon na si Rosemarie Gil bilang si Carmen Cortes, ang matriach ng pamilya Cortes na kinabibilangan nina Stella (Dixson)  at Hernan Cortez (Vasquez) at dalawang anak na sina Inno (Garcia) at Oliver (Jameson Blake).

Tampok rin sa NAK, sina Ana Capri, Maria Isabel Lopez, Leo Rialp, Rey “PJ” Abellana, Ruby Ruiz, at Ronnie Lazaro at may special participation dito sina Dante Rivero bilang si Don Julian Cortez at TJ Trinidad as Rodrigo Cortez.

Ipinakikilala naman ang produkto ng Pinoy BoyBand Superstar na si Joao Constancia na gagampanan ang karakter ni Dom na kababata ng bidang si Eva (Barretto). Tunghayan ang langit at lupang kuwento ng pag-iibigan nina Inno at Eva at sa mapaghamong papel ng dalawa sa kanilang romantic drama TV series na magsisimulang umere ngayong Lunes, 20 Agosto, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN2 Primetime Bida.

Ang Ngayon at Kailanman ay idinirek ng dalawa sa pinakamahuhusay na Kapamilya TV and movie directors na sina Mae Cruz-Alviar at Elfren Vilbar mula sa production ng Star Creatives.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …