Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua sa sobrang PDA kay Julia — Natural na lumalabas dahil mahal ko siya

FOR the first time, magtatambal at magbibida ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na Ngayon at Kailanman.

Sa presscon, sinabi ni Julia na matagal niyang hinintay ang pagkakataon na magtambal sila ni Joshua sa teleserye. Kaya sobrang grateful siya na nangyari ito.

Of course, pressure comes from within, pero siguro right now kasi, mas gusto ko na lang siyang gawing biggest motivator ko really do good sa ipinagagawa sa akin. Na di ko ma-disappoint yung network, yung creatives natin,” sabi ni Julia.

Patuloy niya, ”I think more than anything, I’m just so, so, grateful. I think more than being pressured, more than feeling nervous, I’m so grateful because kaytagal kong hinintay ang panahong ‘to, kaytagal kong hinintay yung moment na ‘to and God has been so amazing. So, mas nagpapasalamat ako and gusto ko lang talagang mag-focus at pagbutihan na lang yung trabaho para ma-proud naman po yung mga nagtiti­wala sa amin ni Joshua.”

Sinang-ayun naman ni Joshua ang sinabing ito ng girlfriend. Totoo na kahit pressured sila ay ginagawa na lang nilang motivation ang serye para pagbutihan ang kanilang trabaho para sa kanilang fans.

Ang more than anything, masaya kami. Sobrang blessed namin,” sabi pa ni Joshua.

Samantala, sinagot ng JoshLia ang isyu sa kanila na PDA (public display of affection), since marami na nga ang nakapupuna na tumotodo na sila sa pagpapakita ng sweetness at pagpapakilig sa mga tagahanga nila.

Sabi ni Joshua tungkol dito, “Natural na lang na lumalabas yun sa amin. Siyempre, mahal namin ang isa’t isa. Siguro normal na lang na lumalabas sa amin yung pagki-care, yung pagiging sweet ko sa kanya.”

Ayon naman kay Julia, ngayon lang siya mas naging open sa kanyang nararamdaman.

I feel like Joshua has really helped me to become more open about my feelings. He’s really opened me up which I think is a good thing. Kasi, I think, for the longest time, I was always so scared. I was afraid to really.. kasi feeling ko, kaunting kibot ko, parating may nasasabi rati ang mga tao. Pero now, I just learned to really trust myself and just show them who I really am.”  

Tumutok gabi-gabi sa Ngayon at Kailanman, sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano simula Agosto 20 (Lunes).

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …