Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malacañang Press Corps
Malacañang Press Corps

Shame campaign vs corrupt officials ilalarga ng Palasyo

BIBIGYAN ng kahihiyan ng Palasyo ang mga tiwa­ling opisyal ng gobyerno na hindi nila malilimutan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, gagawing roll call type ang paraan ng Palasyo sa pag-anunsiyo ng panga­lan ng mga taong sangkot sa korupsiyon.

Mangyayari aniya ito sa mga isasagawa niyang press briefings sa Palasyo.

Ayon kay Roque, mara­mi pa kasing mga opisyal ng gobyerno ang nakapilang sibakin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa lamang maidetalye ni Roque kung sino-sino at anong uri ng pagkakasangkot sa kati­walian ang kinakaharap ng mga nasa listahan ng mga masisibak sa pu­wes­to.

“Parang mas marami pa talaga siyang sisiba­kin, and await for further announcements, I guess. Tayo na ang magiging official sibak announce­ment bureau dito. So that will be now the new role of the Malacañang Press Corps – we will be the anti-graft dissemination corps. We will serve notice to everyone na itigil na iyang korupsiyon dahil kung hindi, babasahin ang pa­ngalan nila rito at ire-report ng media ang kanilang mga pangalan,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …