READ: ‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH
ISANG suki ng Bulabugin ang nabiktima kahapon ng matitinik na hackers.
Ang bilis, wala pang kalahating araw, umabot na sa P80,000 ang nagastos sa kanyang credit card.
Paano nangyari?!
Pinadalhan siya sa kanyang email ng supposedly ay isang bank updates na nagsasabing i-update ang kanyang account.
Dahil hindi naman nag-isip nang masama, tapat na sinagutan niya ang mga tanong sa online maging ang kanyang birthday.
Pero sabi nga, walang pagsisisi sa una kundi laging nasa huli.
Hayun, pagkatapos na pagkatapos niyang mag-update, ‘yun na pala, nag-umpisa nang mag-shopping ang hacker.
Tsk tsk tsk…
Kaya ingat-ingat po sa friend request or online messages na kunwari ay mukhang galing sa banko pero hindi pala.
Kapag nakuha na nila ang vital data tungkol sa inyo, todas ang account ninyo.
Careful, careful po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap