Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go Ai Ai delas Alas
Baby Go Ai Ai delas Alas

School Service ni Ai Ai delas Alas successful ang Gala Night

READ: Adrianna, excited mapasali sa Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino

MATAGUMPAY ang ginanap na Gala Night ng peliku­lang School Service ng BG Pro­ductions International na pinag­bibidahan ni Ai Ai delas Alas, punong-puno ang Cultural Center of the Phillipines last Sunday.

Todo ang suporta ng ma­rami kay Ai Ai, kabilang ang pamilya at mga kaibigan ng Kapuso comedienne. Nandoon din ang mga kasama niya sa GMA-7 at BG Productions International sa pangunguna ng lady boss nitong si Ms. Baby Go.

Masaya si Ai Ai sa pag­tanggap ng manonood sa kan­yang ipinamalas na per­formance rito na nanlilimahid at kakaiba ang itsura. Dusa rin sa part niya na kinuhaan sa busy streets ng Metro Manila ang kanyang bagong pelikula.

Nagpahayag ng sobrang paghanga ang award-winning director nitong si Louie Ignacio at si Ms. Baby sa husay na ipinamalas na performance rito ni Ai Ai.

“Expected ko na ito na maka­buluhan itong movie, story ito ng buhay ng mga bata na pa­la­boy-laboy sa lansangan. Na ‘pag na­ki­ta naman natin, talagang dinu­durog ang mga puso natin,” wika ni Ms. Baby.

Mananalo kaya ulit si si Ai Ai ng award dito, tulad sa Area? Sagot niya, “Feeling ko naman mananalo siya ulit, kasi magaling siya rito e. And siyempre, lahat naman ng movie niya sa BG Productions ay magaling siya, e.”

Saad naman ni Direk Louie, “Kay Ai Ai kasi, kailangan niya ng iba naman, hindi ‘yung pare-pareho ‘yung gina­gampanan ni­yang role. Sa tingin ko siya ‘yun, kayang-kaya niya ‘yung role.”

Nalagpa­­san ba ni Ai Ai ‘yung performance niya sa Area? “Magkaiba, pero I think yes, kasi marami siyang ano, maraming transformation… ‘yung cha­racter niya rito, mapapanood ninyo, ibang klase talaga,” pakli ng Kapuso director.

Ang School Service ay nagpapakita ng buhay ng mga batang namamalimos at guma­gawa ng raket sa kalsada na ha­wak ng sindikato. Ito ay suma­salamin sa survival na nangya­yari sa animo gubat na kalsada, na malupit sa mga kapos-palad at naghihikahos ang buhay.

Mapapanood ang School Service mula August 12. Tampok din sa pelikula sina Direk Joel Lamangan, Therese Malvar, Joe Gruta, Felixia Dizon, Kevin Sagra, Kenken Nuyad, Ace Cafe, Sandino Oriquel, at Celine Juan na introducing sa pelikula.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …