Tuesday , December 24 2024

Corrupt BIR officials nadale ng NBI

AKALA natin Customs ang corrupt pero sa Bureau of Internal  revenue (BIR) pala mas marami ang corrupt diyan.

Magaling si NBI Director Atty. Dante Gierran dahil ipina-entrap niya agad ang mga official ng BIR na nangongotong sa isang negosyante.

Inutusan kaagad niya ang NBI special task force para hulihin ang mga corrupt na BIR official.

Sa totoo lang, milyon ang kitaan diyan sa BIR at tama lang na hinuli ng mga imbestigador ng BIR.

Ipinag-utos agad ni Gierran na sampahan sila ng kaso.

***

Dapat din imbestigahan ng NBI ang Bureau of Immigration (BI) Bay Service dahil marami na umanong alingasngas ang nangyayari rito.

Isalang sa lifestyle check ang isang opisyal ng NBI dahil nakatira raw sa first class subdivision sa Tierra Pura at  may condo sa Nueva Ecija.

May luxury cars at Rolex, ayon sa ating bubuwit.

Pati confidential agent ay pinaaakyat/boarding sa barko kahit bawal, dahil immigration officer ang opisyal na pinapayagan.

Halos linggo-linggo ay may cruise ship na dumaraong sa pier natin kaya tiba-tiba siya.

Saan kaya napupunta ang milyon-milyong overtime sa shipping line? Sa bulsa o gobyerno?

Dapat ‘yan ang isunod ng NBI.

***

Kailan kaya iimbestigahan ng NBI at PACC ang mga anak ni smuggling king Mani Santos na involved umano sa rice smuggling ngayon.

Ang mga anak n’ya ang nagpapalusot sa Customs na sina alias E-gay, Jenni at Manuel Junior.

Sila na raw ang pumalit sa ama nila na nagpahinga muna sa smuggling niya pero ang mga anak ang namamayagpag ngayon sa pier.

***

Si Madam Kimberly ay tuloy pa rin daw ang smuggling gamit ang bagong consignee.

Parang multo kung magtrabaho ang kanyang mga bata.

Bantayan!

***

Sa Batangas mukhang malakas ang smuggling diyan.

***

Sino itong isang customs appraiser na si alias Arriba na may dalawang resort sa Surigao at may mga condo sa Parañaque pati luxury cars?

Paimbestigahan po ninyo Commissioner Sid Lapeña!

***

May Customs DepComm daw na malakas tumara sa BoC at  magaling pa raw sa chicks na puro tisay ang gusto.

Pilyo talaga ang source ko na taga-Cebu.

***

Congratulations pala sa buong BoC-NAIA Pair Cargo sa pangunguna ni Coll. Dan Oquias dahil bukod sa nakamit nila ang target nila ay may excess pa na P88 milyones.

Ito ay dahil na rin sa mahusay na leadership ni NAIA Customs District collector Mimel Talusan.

Magaling talaga ang mga taga-Customs Pair Cargo kaya lahat sila ay sumusunod sa mga mandato ni Coll. Talusan kagaya nina Assessment chief Danny Del Rosario, Informal entry chief Nelly Ochoa, ECCF chief Luz Ugot at lahat ng mga hepe at examiners.

Ang actual collection ng Pair Cargo ay P2.243 bilyon at ang kanilang target ay P2.141 bilyon. Samakatuwid ay lumagpas ng milyong piso ang kanilang koleksiyon base sa target.

Kahanga-hanga talaga ang pamumuno ni Coll. Dan Oquias at alam natin na subok na siya sa lahat kahit noong siya ang hepe ng MIASCOR, bilyones din ang naiambag niyang koleksiyon sa NAIA customs.

Parang si chief Danny Del Rosario din na subok sa serbisyo publiko dahil siya ay isa sa maga­ga­ling na hepe noong pana­hon pa ni Com­missioner Boy Morales.

Walang naka­lulusot sa kanya.

Kudos Cus­toms Pair Cargo at sa buong BoC-NAIA!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *