ANG Youtubesensation/comedian/singer na si Mikey Bustos ang kauna-unahang foreign celebrity na kinuha para mag-promote ng Taipei City sa Taiwan bilang perfect destination para magbakasyon.
Ginawa iyon sa pamamagitan ng isang music video with Taiwanese Girl na nagpapakita ng magagandang lugar, masasarap na pagkain, at mga murang bilihin sa Taipei. Isa iyon sa paraan para i-promote ang Tourism ng Taipei City na may title na My New Crushie na si Mikey mismo ang kumanta.
Ani Mikey nang makausap namin sa media launch ng Fun Taipei 2018 na ginanap sa Ascott Hotel sa Makati City, ”It’s an honor, I’m not Taiwanese or anything. It’s so great that they want to reach out to Filipinos to promote their City.
“Siyempre I’m honored as always whenever people reach out to me and my team to create viral videos for them.
“I love to travel too, so these tourism videos, they came from my heart. I enjoy doing them.”
Hindi lang ito ang first time na nag-promote ng tourism ng ibang bansa si Mikey dahil nakalibot na rin ito sa iba’t ibang lugar para tulungan silang i-promote ang kanilang syudad.
Ilan sa dumalo sa nasabing launching ay ang Deputy Representative ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na si Minister James Chu, Ms Yu-Shin Chen (Deputy Commissioner ng Taipei City Government) atbp.
Present din ang representatives ng EVA Air, Jeron Travel, Amba Hotel and Resorts, My Warm Day, Fried Chicken Master, Ma La Hot Pot, Summerry, Smoothie House, KQ Tea, Asha Food atbp. na siyang partner ng Fun Taipei 2018.
At ngayong araw, July 6, magkakaroon muli ng event ang Fun Taipei 2018 sa Event Center ng Glorietta 2 Makati City with Mikey at 2018 Travel Madness Expo sa SMX Convention Center sa Pasay na nagsimula kahapon, hanggang July 8.
MATABIL
ni John Fontanilla