Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolo, kompositor na (‘di lang actor at public servant)

MAY problema man ang puso ni Vice Governor Jolo Revilla, hindi iyon nakapigil sa kanya para makapagsulat ng kanta. Tila iyon pa ang naging daan para maging inspirado na makasulat ng tatlong kanta.

Napakinggan namin ang isa sa tatlo, ang Nahulog na nilapatan ng tunog ng kompositor at director na si Joven Tan at gagamiting themesong sa pagbabalik-pelikula ni Jolo, ang Tres.

Ang Tres ay isang action film na pagbibidahan din nina Bryan at Luigi Revilla. Bibida si Jolo sa 72 Hours, si Bryan naman sa Virgo, at si Luigi sa Amats at ididirehe nina Dondon Santos at Richard Somes.

Maganda ang mensahe at titik ng Nahulog, tulad ng… “Hinihintay lamang sa iyo…dahil ako’y nahulog na sa iyo…” Kaya ang tanong namin, para kanino kaya ang awiting ito at sino ang iniisip ni Jolo habang isinusulat ito?

Ang Nahulog ay gagawan din ng music video na ididirehe rin ni Dondon Santos.

Ang Tres ay entry ng Imus Productions sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …