Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolo, nagpapayat para sa 72 Hours (mula 217 lbs. to 163 lbs.)

MAPAPASABAK sa matinding aksiyon si Vice Governor Jolo Revilla sa pelikulang 72 Hours, kasama sa trilogy movie na mapapanood mula sa Imus Productions na pinamagatang Tres. Kasama rito ang dalawa pang pelikulang pinagbibidahan naman ng mga kapatid niyang sina Luigi at Bryan Revilla.

Eight years ago pa huling gumawa ng pelikula si Jolo at leading  niya rito si Rhian Ramos na pamamahalaan naman ni Dondon Santos.

Bukod sa 72 Hours, gabi-gabi ring napapanood si Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.

Aminado si Jolo na sobra niyang na-miss ang paggawa ng pelikula at pagharap sa kamera.

“Sabi ko nga ikinukuwento ko kay Direk Dondon, na siya rin ang director ko sa ‘Pepeng Agimat,’ na rito ako ini-launch ng ABS-CBN, sabi ko direk baka medyo mangangapa ako rito, dahil ang tagal kong hindi umarte. Sabi naman niya, ‘kayang-kaya mo ‘yan dahil gawin mo kung ano ‘yung ginagawa mong pagiging natural. Ipasok mo lang ‘yung karakter. Kayangkaya mo na ‘yan.’ Ayun pinakawalan na niya ako ng diretso.”

Dahil sa walong taong hindi pagharap sa kamera, natanong si Jolo kung kinailangan pa ba niyang mag-workshop.

“Sabi ko nga kailangan ko yatang mag-workshop. Pero sabi ni Direk, ‘hindi mo na kailangan dahil kaya mo na.’”

Ukol naman sa adjustments na ginawa niya sa muling pagharap sa kamera, ”Ang laki. As you can see I’ve lost so much weight. From last year, pinakamabigat ko is 217 lbs, now I am 163 lbs. Nag-keto diet ako with intermittent fasting and exercise.

“Pero disiplina pa rin sa sarili kasi kung wala kang disiplina hindi mo rin naman magagawa ng tama iyong diet. And of course I did that for my health as well.

“Ramdam na ramdam ko noon na napakabigat ko and hindi na magandang tingnan as well. Kumbaga, secondary na ‘yung hindi maganda tingnan and hindi na healthy.

“Isipin mo, nagsimula akong mag-diet during when we got back from Turkey, that was December last year. I started dieting. Bago ko nakita, (pagbabago ng katawan)by March. Kahit sa film makikita na medyo malaki then biglang boom, lumiit na. Pagdating sa dulo, papaya na ng papayat,” kuwento pa ng batang actor na lalong gumwapo dahil bagay ang pagpayat na ginawa.

Maituturing na pinakamatinding action ang Tres dahil ang karaniwan niyang nagagawa noon ay fantasy bagama’t nag-action din siya sa ABS-CBN,ang Kapitan Inggo…

“Oo sa movie itong Tres ang matindi kong ginawa. ‘Yung Anting-Anting ni Lolo, fantasy. Kaya sobrang hitik ito sa action.

“May mga sabugan, barilan, suntukan and of course may love story din kahit paano.”

Nang matanong naman si Jolo ukol sa kung may daring scene sila ni Rhian sa pelikula, natawa itong sumagot ng,”daring scenes, ha ha ha, abangan na lang nila.”

Dagdag pa ni Jolo, siya mismo ang gumawa ng mga stunt na kinailangan sa pelikula. Pero  aminado siyang kung may mga delikadong eksena, hindi siya nagdadalawang-isip na ipagawa iyon sa iba.

“Hindi na naman sikreto iyong pagpapagawa sa iba kung delikado. Kahit kay Kuya Robin (Padilla), isine-share niya kung ano ‘yung mga delikadong nangyari sa set.”

At ang advise ng Papa niyang si Senador Bong Revilla bago sumabak sa action-movie, ”Sinabi niya, ‘basta siguraduhin mong kaya mo bago mo gawin kung ikaw ang gagawa.’”

Sinabi pa ni Jolo na dapat pakaabangan ang eksenang habulan ng sasakyan. ‘’Yung car chasing dapat nilang abangan. Panoorin nila ‘yun dapat.”

ni MARICRIS V. NICASIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …