Wednesday , December 25 2024

27 estruktura sa El Nido giniba

PALAWAN – Nagsimula na ang puwersahang demolisyon sa natitirang 27 establisiyemento sa bayan ng El Nido na nabig­yan ng “notice to vacate” makaraan pumasok sa 3-meter easement zone.

Unang giniba ng Task Force El Nido ang mga estruktura sa Brgy. Masagana. Giniba ang mga sea wall, pader at bahagi ng gusali.

Nagsimula na rin mag self-demolish ang ilang nego­syan­teng nahainan ng notice for demolition nitong nakaraang linggo.

“Nag-unti-unti na kaming maggiba kasi kailangan nang sumunod. Para naman ito sa negosyo as well as sa kalika­san,” ayon sa business owner na si Danilo Dangan.

Pabor ang ilang travel and tour operator sa El Nido sa ginagawang demolisyon. Ram­dam na umano ang pagsikip sa Bacuit Bay dahil sa estrukturang halos umabot na sa dagat.

Aminado ang demolition team na kulang ang kanilang kagamitan para sa demolisyon. Dahil dito, posibleng magtagal umano nang mahigit dalawang linggo ang demolisyon.

“Ang timeline namin dito is 15 days, pero we will seek for additional equipment para gamitin dito sa demolisyon. Marami kaming tao pero kulang sa gamit and wala na ring kaming ibibigay na anomang palugit sa kanila,” pahayag ni Mayor Nieves Rosento.

Dagdag ng local govern­ment unit, sisiguruhin nilang lahat ng mga business establish­ment ay susunod sa itinakda ng batas, kabilang ang pagsunod sa easement zone.

Sakaling matapos na ang demolisyon sa Brgy. Masagana hanggang Buena Suerte, ay agad isusunod na gibain ang mga estruktura sa Brgy. Corong Corong.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *