Tuesday , December 24 2024
dead gun

3 akyat-bahay, 2 tulak patay sa parak sa QC

TATLONG miyembro ng umano’y akyat bahay gang at dalawang tulak ng ilegal na droga ang napatay nang manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report ni SPO1 Jurly Garbo ng Batasan Police Station 6, dakong 2:00 am, unang napatay ang dalawang miyembro ng akyat bahay na kinilalang sina alyas Rigor, edad 35-40, at alyas Rak Rak, edad 25-30, kapwa nakasuot ng itim na maskara.

Ayon kay Mark Ugay, security officer ng Filinvest 2, Subdivision sa Brgy. Batasan Hills, napansin nilang bukas ang ilaw sa loob ng isang bahay sa San  Mateo Road sa nasabing subdibisyon. Nang silipin nila ay nakita nilang may mga lalaking kahina-hinala.

“Alam po kasi namin na wala po ‘yung mga nakatira doon kaya na­man agad kaming tuma­wag sa pulis,” ayon sa guwardiya.

Agad nagresponde ang mga operatiba ng Batasan Police, sa pa­ngunguna ni Chief Insp. Sandie Caparroso, ngunit papalapit pa lamang sila sa lugar ay pinaputukan sila ng mga suspek kaya gumanti ng putok ng ang mga pulis na ikinamatay ng dalawa.

Narekober sa dala­wang suspek ang cal. 38 revolver, cal. 38 Smith and Wesson revolver, backpack na may mar­tilyo, screw driver, at nike pouch na may mga sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Habang dakong 2:50 am ay napatay ang isang hindi kilalang umano’y akyat bahay sa kanto ng Exeter at Midway streets, Forest Hills Subd., Brgy. Gulod, Novaliches.

Ang suspek na tina­tayang edad 25-30, ay napatay nang manlaban umano sa nagrespondeng mga operatiba ng Nova­liches Police Station 4, sa pamumuno ni C/Insp. Cyril Dagusen.

Samantala, napatay sa buy-bust operation ang hinihinalang dalawang tulak ng ilegal na droga nang manlaban umano sa mga operatiba ng QCPD Police Station 8.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Danilo Valenzuela, at alyas Ban­sot, edad 30-35. Napag-alaman, nag­sa­gawa ang mga aw­toridad ng buy-bust ope­ration dakong 2:00 am sa Legaspi St., Brgy. Mila­grosa, Quezon City.

Nagpanggap na buyer si PO1 Darwin Peralta ngunit nang makatunog ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katran­saksiyon ay bumunot sila ng baril kaya inunahan silang pinaputukan ng mga pulis. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *