Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

25 detenidong Pinoy palalayain ng Qatar

NAKATAKDANG palayain ng Qatari government mula sa piitan ang 25 Filipino sa “unusual gesture of diplomacy” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Linggo.

Ikukustodiya ng Philip­pine officials ang nakapiit na mga Filipino ngayong Lunes bilang bahagi ng pagdiri­wang ng Qatar sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Muslim holy month of fasting, gayondin sa nakaraang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Fil­i-pinas, ayon kay Bello.

“Unusual ito. Ordinarily, nangyayari iyan, may pina­palaya silang isa, dalawa; maximum ang tatlo. Ngayon, kataka-taka na 25 ang pina­palaya nila,” pahayag ni Bel­lo.

Aniya, ang gobyerno ng Filipinas ang gagastos sa pagpapauwi sa mga Filipino, na pagkakalooban ng trabaho o puhunan para sa negosyo.

Dumating si Bello nitong Sabado sa Doha para sa pagdiriwang ng 120th Philip­pine Independence Day celebration para sa mga Filipino, at  nakipagtulong sa Qatari officials, kasama ni Overseas Workers Wel­fare Administration (OWWA) deputy adminis­trator Arnell Ignacio.

Ayon sa pagtataya ng Qatar’s Ministry of Foreign Affairs, mayroong 220,000 Filipino sa kingdom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …