Tuesday , December 24 2024

Age discrimination sa job applicants ilegal — DOLE

IPINAALALA ng Depar­tm­ent of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi dapat gawing batayan ang edad sa pagtanggap ng empleyado.

Inihayag ni Nicanor Bon, pinuno ng DOLE Policy and Program De­velopment Division, maaaring patawan ng parusa alinsunod sa Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimi­nation in Employment Act, ang mga employer na tatan­ggi sa mga aplikante dahil sa kani-l­ang edad.

“Pinapaalalahanan natin sila na mayroon batas tungkol diyan, na iyan ay ilegal, ang hindi pag-employ sa isang nag-aaplay, kung ang basehan ay edad, bawal iyon,” sabi ni Bon.

“Dapat tingnan iyong abilidad niya, skills niya, ‘yong kaniyang kaalaman o knowledge at saka qualification. ‘Di lang dapat sa edad ‘yan,” dagdag ni Bon.

Sa ilalim ng batas, maaaring maparusahan ang employer ng multang P50,000 hanggang P500,000 o pagkaka­kulong ng tatlong buwan hanggang dalawang taon, batay sa desisyon ng korte.

Handa rin umanong magpaabot ng tulong ang DOLE sa mga aplik­an­teng nakaranas ng age discrimination, gaya ng pagturo kung paano magsampa ng reklamo sa piskal.

Ngunit inilinaw ni Bon na may mga “lawful exception,” gaya ng mga trabahong hindi na maaaring kayanin ng mga matatanda tulad ng pag­hi­hinete o pagiging mi­nero.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *