Thursday , April 24 2025
sandiganbayan ombudsman

10-taon kulong vs Intramuros ex-administrator (Sa anomalous property lease)

HINATULAN ng Sandigan­bayan si dating Intramuros Administration chief Dominador Ferrer Jr., ng anim hanggang sampung taon kulong dahil sa maanomalyang pag-lease sa dalawang government pro­perties ng pribadong kompanya noong 1998.

Si Ferrer ay napatunayang guilty sa pagkakaloob ng “unwarranted benefits” sa Offshore Construction and Development Company (OCDC) para sa lease contracts nito sa Baluarte de San Andres at Baluarte de San Francisco nang walang public bidding, ayon sa Office of the Ombudsman.

Ito ay paglabag sa 1989 joint circular ng Department of Budget and Management, Depart­ment of Environment and Natural Resources and the Department of Public Works and High­ways, pahayag ng Om­buds­man sa reklamo nito.

Inakusahan din ng Ombuds­man ang dating Intramuros administrator ng paglabag sa Intramuros Charter at sa National Building Code sa pagpapa­hintulot ng konstruksiyon ng bagong mga estruktura sa leased areas nang walang ano mang building permit o clearance.

Sa desisyong inilabas noong 11 Mayo 2018, pinagtibay ng korte ang pananagutan ni Ferrer sa kapabayaan dahil sa pagpa-p­ahintulot ng development sa leased properties bagama’t ang OCDC ay kulang sa required permits.

“Accused Ferrer’s own testimony and acts reveal that, at the very least, he had indeed exhibited gross inexcusable negligence in allowing the lessees to develop and cons­truct on the leased premises, even as their compliance with requirements remained defi­cient, and with knowledge that such was in contravention of his duties under the Intramuros Charter,” ayon sa korte.

Ang desisyon ay isinulat ni Sandiganbayan 2nd Division Chairperson Oscar Herrera Jr., at sinang-ayonan nina Asso­ciate Justices Michael Frederick Musngi at Lorifel Pahimna.

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *