Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Suntok-kamao ni Duterte gamit na gamit ng mga tulisang politiko

ONCE a user always a user.

Sige ‘wag natin lahatin. Sabihin natin mga 75 perce nt lang ng mga politiko ang may ganyang asal. Hindi nagseserbisyo sa tao walang ginawa kundi kumabit at sumipsip sa kung sino ang nakapuwesto.

Marami nga riyan lagi pang nakabuntot.

Ngayon dahil medyo millennial na ang datingan, may bago nang estilo.

Gamitin ang suntok-kamao ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para maging bentaha nila sa kampanya.

Kung ‘yung ibang opisyal ng gobyerno, ginagaya ang ‘pagmumura’ ng Pangulo para makasindak, ang ibang politiko naman lalo na ngayong barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections at papasok ang mid-term elections, panay na ang porma ng suntok- Duterte (suntok-kamao).

Nakita naman ninyo ang mga nakasabit na tarpaulin ngayon, barangay chairman o kagawad pa lang ang inaambisyon, sandamakmak na suntok-Duterte at checkered na polo-shirt ang makikita.

Wattafak!

Sabi nga ng matatanda, ang mga gaya-gaya puto-maya walang bait sa sarili, oy! E paano ninyong iboboto ang mga ganyang klase ng tao o politiko?! Walang sariling isip!

Isip-isip naman ng originality, oy!

Gaya ng isang pinatalsik na gobernador sa isang lalawigan, aba ‘e panay pa ang photo-op kay Pangulong Digong.

Asap mo’y factor ‘yun para makabalik siya sa puwesto.

Hindi uto-uto ang constituents sa bayan ninyo, oy!

‘Yung iba naman, dahil mag-eeleksiyon nagmumukhang kaminero sa bawat kalye. Linis dito, linis doon. Pati mabahong pusali kinakanaw para luminis daw ang kapaligiran.

Aba ‘e lubusin na ninyo, higupin na ninyo ang mga pozo negro ng constituents ninyo!

Kaya pakiusap lang po sa mga kandidato, lalo sa barangay level, kung malinis naman ang inyong hangarin at kilala kayo ng inyong constituents, huwag na kayong gumimik.

Magpakatotoo kayo at maging seryoso sa pagseserbisyo!

‘Yun lang!

SENATE BILL 1777
NI KOKO PIMENTEL
SEEKS TO LOWER
RATES OF POL ADS

MARAMING politiko na walang kakayahang magbayad ng napakamahal na political advertisements rates ang matutuwa sa Senate Bill 1777 na inakda ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel.

Isa ang napakamahal na ad rates sa dahilan kung bakit nalulubog sa utang na loob ang mga politiko kaya maraming naniningil kapag nakapuwesto.

Mabuti sana kung katulad ng isang kumpare natin na hindi naghahangad ng kapalit na puwesto kahit mag-sponsor ng ads sa isang politiko (ALAM n’yo na kung sino siya).

Talagang dahil bilib lang siya sa kandidato kaya siya nag-sponsor. Nang makahamig ng 16 milyong boto ‘yung politiko at nagwagi hindi natin naringgan ‘yung mama na humingi ng kapalit.

Maliit ang taong ito, pero napakalaki ng puso.

Hindi katulad ng iba, sumuporta sa ban-kala, ngayon, sa lakas sumipsip, pirmi pang nakasupsop.

Anyway, kung magtatagumpay ang Senate Bill 1777 ni Senator Pimentel, aba, malaking kaalwanan ‘yan sa mga politiko.

Paano nga naman magiging parehas ang elekiyon kung pera-pera lang ang magiging labanan?!                                                    Panahon na siguro para suportahan ang ganitong mga klaseng bill. Hindi lang para sa mga kandidato kundi para na rin sa bayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *